Advertisers
KUMPIYANSA ang Filipino-American player Jordan Clarkson na makapaglaro sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2023 FIBA Basketball World Cup ganun din sa Olympic qualifying tournaments.
Dagdag pa ng Utah Jazz player na inaayos na niya ang lahat para tuluyan na itong makapaglaro sa Pilipinas.
Iginiit pa nito na bagamat nakapaglaro na ito sa 2018 Asian Games ay kakaiba pa rin ang mairepresenta mo pa rin ang bansa sa FIBA tournament.
Magugunitang isa si Clarkson na target na kunin ng Gilas para sa FIBA Asia qualifiers.