Advertisers

Advertisers

Alex Eala umangat ang WTA rankings

0 277

Advertisers

UMANGAT ang rekord ni junior tennis standout Alex Eala sa career-high No. 662 sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings kasunod ng kanyang kampanya sa W60 Bellinzona tournament sa switzerland nakaraang Linggo.
Eala, 15 tumalon mula sa No.715 matapos idispatsa ang dalawang malakas na kalaban sa $60.000 Swiss event kung saan siya nagtapos sa Round of 16.
Sa ngayon, ay nasungkit ni Eala ang 14 sa kanyang 21 na laban ngayon season at puntirya ang second pro title matapos magwagi sa W15 Manacor event sa Spain nakaraang January.
Ang Swiss tournament ang kanyang unang $60.000 event kung saan siya nakakuha rin ng wildcard ticket.