Advertisers

Advertisers

Ivana nagalit sa utol nang i-prank ng kababuyan; Heart dinepansahan ng kapatid nang i-bash na maarte

0 301

Advertisers

Ni Gerry Ocampo

EXCITED na sana si Heart Evangelista para sa pagsisimula ng lock-in taping ng upcoming Kapuso series na I Left My Heart  In Sorsogon pero hindi muna matutuloy dahil nagkaroon muli ng lockdown sa pagbabalik ng ECQ (enchanced community quarantine) sa NCR at iba pang karating na probinsiya.

My Korean Jagiya ang huling serye ni Heart sa GMA 7.



“I`m  very, very excited  about  my  new project, it`s  been three years  since  my last  soap so, medyo kailangan ko na rin as an artist, and some kind of a release,” say ni Heart.

“Excited ako dahil  bago ang leading man ko, ang bagong Kapuso actor na si Richard Yap. Hindi ko pa siya nami-meet  in  person o nakakausap, pero may common friends kami  and they have really nice  things  to say about  him.  And I` am  also  excited dahil may isa pa akong magiiging  second leading man, di ko pa rin siya kilala pero he has to be equally amazing  and talented dahil parehong mabigat ang characters  na  gagampanan nila ni  Richard.”

Samantalang sinagot ng kapatid ni Heart na si Camille Evangelista ang basher  na nag-comment na maarte  at  yumabang  ang Kapuso actress mula nang makapag-asawa ng senador at ngayon ay gobernador ng Sorsogon. Feeling rich daw si Heart.

“Excuse me mahiya ka naman sa mukha mo. Who are you to comment?!  You  don`t  like  her?  Then  stop freakin  following her.  It`s  as  simple  sa that,” sagot ni Camille sa  basher.

Bukod kay Camille, ipinagtanggol din ng mga followes si Heart  sa basher para sabihin na mayaman na si Heart at Ongpauco na siya bago pa naging Escudero. Tila natauhan ang basher dahil hindi na ito humirit pa.



Tila ang daming oras ngayon ng mga basher  dahil  pati  ngipin ni Heart  ay  kanilang  pinakikialaman.Tinatanong kung artificial  ang ngipin ni Heart at  kung artificial nga raw ay maganda ang pagkakagawa.

***

Bubble Gang barkada nag-iingat

Alam ng Biubble Gang barkada sa pangunguna nina Michael V, at mga sexy actress na sina Valeen Montenegro, Kim Domingo at iba pa na hindi biro ang virus na kalat sa buong mundo.

Ilan nga sa cast ng longest running gag show sa telebisyon na napapanood every Friday at 10:20 pm sa GMA 7 ang nagka-Covid. Isa na nga na unang naging biktima ng Covid ay si Michael V mismo.

Ayon kay Bitoy, sobrang ingat nila kaya nagtataka siya kung paano nahawa ng sakit at saka niya naisip na baka nakuha niya ito sa mga pagkain na kanilang ipinade-dileber sa kanilang tahanan.

“Baka sa mga food na order namn. Di kasi kami naging maingat,” say ni Bitoy. “Grabe ang sakit na naramdaman ko sa katawan. Salamat at nakayanan ko rin ang lahat. Salamat sa lahat ng mga nagparating ng dasal  at pangungumusta, lalo na sa Bubble Gang barkada.”

Ngayon sa pagbabalik taping nila ng gag show ay sobrang ingat na ang bawat barkada at sinisiguro nila na lahat ay nasa mabuting kalagayan bago simulan ang taping ng BG.

***

MAKIKITA sa camera ni Ivana Alawi  ang pagkadismaya sa kapatid  na lalaki na si Hash Alawi sa ginawa nitong pag-prank sa kanya sa YouTube vlog.

Gumawa kasi ng nakakadiring cupcake ang utol na lalaki na nilagyan ng napakaraming onion at garlic. Sa simula ng vlog  ipinakita ni Hash kung paano niya ito ginawa at pati na rin ang softdrinks na nilagyan niya ng  toyo pero ang sinabi kay Ivana ay strawberry and cranberry juice ito.

Bago si Ivana, unang biniktima ng utol na lalaki ng actress ay ang kanilang kapatid na bunso na si Mona Alawi na nang tikman ng bagets ang cupcake ay kaagad nadismaya sa lasa.

Pero ipinagtapat din ni Hash sa kapatid na prank yun at saka nagpatulong na i-prank nila ang kanilang Ate Ivana.

Tinawag nila si Ivana na nagulat nang malamang  marunong nang mag-bake ang kapatid na lalaki.

“Gusto pala niyang mag-baking. Hindi man lang niya sinasabi  sa amin magba-vlog  siya. Kakalabanin  niya yata si Erwan (Heussaff),” say ni Ivana.

Eto na, nang tikman ni Ivana ang cupcake ay makikita na hindi ito nasarapan pero hindi pinahalata sa kapatid at sinubukan pa niyang ngumiti.

“I  think you put  something  panis,” say ni Ivana sa kapatid.

Deny ng utol  at  hindi pa nasiyahan ay pina-dip pa niya  kay Ivana ang cupcake  sa ginawa nitong spicy samjang sauce. Dito na naitapon ng sexy actress/vlogger ang tinapay.

Napagtanto ni Ivana na prank yun kaya sinabi niya kay Hash, “ang baboy mo, sobra!”

Pinainom siya ni Hash ng drinks na walang siyang kaalam-alam na soy souce at naibuga rin ito ni Ivana  saka sigaw na, “Bro, you`re  so baboy!”

“Disgusting! You  put  what  the…” galit na say pa ni Ivana.

At sa galit  nga nito sa kapatid ay muntik nang ibuhos ni Ivana ang inumin kay Hash.

“Alam mo, ang  baboy mong  mag-prank,” galit at dismayadong say ni Ivana.

Hindi pa doon nagtapos ang prank ni Hash dahil pati ang kanilang ina ay kanyang pinakain  and as expected  ay nagalit  din ito sa kanya. Pagkatapos ay nag-sorry naman si Hash sa kanyang pamilya.

Samantalang mas lalong umingay at pinag-ilusyunan ng mga barako si Ivana ngayon matapos na mag-viral ang ginawa nitong pagtulong sa isang tindero na binigyan niya ng P20,000 bilang pagtugon sa napakabuting loob ng lalaking tindero na tinuulungan siya nang magpanggap na isang pulubi.