Advertisers
ISANG 12-anyos na babae ang nabuntis nang paulit-ulit na gahasain ng sarili nitong ama sa Tayabas, Quezon.
Kuwento ng ina ng biktimang hindi pinangalanan, hiniwalayan niya ang asawa dahil nagdo-droga ito. Naiwan ang bata sa ama dahil naghahanapbuhay siya.
Nitong Marso ay napansin ng lola na lumalaki ang tiyan ng bata pero inakala nila na may kasintahan ito kaya nabuntis.
Pero nitong April 12, sinabi ng biktima na noong isang taon pa siya ginagahasa ng kaniyang ama. Tinatakot daw siya nito kaya hindi siya agad nagsumbong.
Nakakulong na ang baboy na ama.