Advertisers
NANAWAGAN si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa iba’t- ibang sektor na magbuklod upang maliwanagan ang publiko kaugnay ng COVID-19 pandemic at mga epekto nito.
Ayon kay Cayetano, makikinig naman ang nga tao sa kanilang mahal sa buhay at lider ng komunidad kapag ang impormasyon ay tungkol sa COVID-19.
“Extraordinary ang problema kaya dapat extraordinary din ang solusyon,” aniya. “Kanino ba nakikinig ang tao? So, una, sa kanilang magulang. Pangalawa, sa kanilang teachers. Pangatlo, sa kanilang mga religious leaders, sa pari, ministro, imam, pastor. (At) sa media. So, dapat talaga multi-sector.”
Hinimok ni Cayetano ang national government na makipagkapit-bisig sa iba’t-ibang stakeholders sa pagpapaliwanag sa COVID-19 sa publiko ang kahalagahan ng pagtalima partikular sa minimum health protocols.
“Ang national government, dapat lapitan ‘di lang ang ang mga ahensiya nito kundi ay tulungan na multi-sector yung approach natin, and patiently explain what kind of virus is this, paano nakakahawa, bakit importante na gawin natin ito.These efforts will only prosper if they are supported by the distribution of financial aid.” esplika ng Mambabatas.
“Kahit anong paliwanag mo, kung ang tao ay gutom, walang kinakain, walang trabaho, walang kinikita nagsara o magsasara ang negosyo niya, hahanap at hahanap ng paraan para kumita ‘yan,” aniya.
Noon pang Pebrero1, naghain si Cayetano at kanyang mga kasangga sa Kongreso ng 10k Ayuda Bill na naglalaying ipamahagi ang P10,000 sa bawat pamilyang Pilipino.
Sinabi pa ng dating Speaker na ang pagkakaloob ng ayudang pinansiyal sa pamilyang Pilipino ay krusyal sa pagbabago ng publiko ng kanilang kustombre sa gitna ng pandemya .
“Kailangan talaga natin ng transformational change, yung nagbago talaga ang pagkilos natin lahat,” he said. “Magagawa natin ‘yan kung isasabay natin yung tulong sa ekonomiya o yung tulong sa kabuhayan doon sa direksyon sa medikal,” ani pa Cayetano..MISMO!
Lowcut: Shoutout sa M24 Builders of Guardians Toronto and Manila headed by founder/ organizer bro Doc Chito Collantes M24B1024. Hats off kay Sis Lingling Adora ng M24 Toronto Canada.Without much drumbeating,nairaos pala ni Sis Lingling ang kanyang adbokasiya na FEED THE ELDERLIES IN CATBALOGAN,SAMAR kamakailan sa tulong ng kanyang batchmates sa kanyang balwarte. Sobrang ligaya ng mga mahal na senior citizens sa SAMAR na nakatikim ng pagkain ng sikat na food chain sa bansa at may mga regalo pa.Sis Lingling ,isa kang GOOD SAMARitan!
Kudos to bro Arman Quimirista M24 Toronto, bro JayAr Quimirista ,AtO Tagaytay bro Jeric Quimirista of famous Golden Dale Foods.Sis Janice Ronquillo AtO Calamba, Bros Arvin David ,Ariel Manas Supremo Elias Dematera at sa lahat ng kapatiran sa Manila at Toronto. Mabuhay!