Advertisers
Kalunaslunas ang sinapit ng 12 pamilya nang idemolis ang kanilang mga tahanan sa Manotoc compound sa Hermosa Tondo, Maynila, kamakailan.
Kasalukuyang naninirahan na lamang sa mga itinayong kubol sa kalsada ang mga denimolis na dating residente ng nasabing compound.
Bunsod ng pangyayari ito, minabuti ng mga kahabaghabag na residente ang manawagan sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila, kung saan agaran silang tinugunan ni District 2 Congressman Rolan ‘CRV’ Valeriano.
Ipinahayag ni Velariano ng pumutok ang pandemya noong nakaraang taon, nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi maaaring paalisin ang sinumang mga nangungupahan kung hindi sila makabayad kapag nahaharap ang bansa sa ‘State of Emergency’ .
Laking katanungan ngayon ni CRV kung bakit hindi nasunod ang ganitong direktiba ng pinakamataas na pinuno ng bansa.
Aniya, sana isinaalang-alang ng husgado na hindi sila naglabas ng eviction order sa panahon ng pandemya.
Nitong Marso 10 nang magbaba ng kautusan si Presiding Judge Jimmy Santiago, sa ialim ng ‘writ of possession’ na nag-uutos na hindi na maaaring gibain ang Manotoc compound..
At nang gibain ang nasabing compound may mga kasamang pulis at barangay official ang demolition team ng mga Manotoc.
Ayon kay Valeriano, agad na gumawa ng aksyon si Manila Mayor Isko Moreno sa nasabing problema at nagsagawa ng appropriation ordinance ngayon Huwebes upang bigyang kapangyarihan si Moreno na bilhin at bayaran ang kulang sa mga Manotoc.
Ipinahayag din ni CRV na lilinawin nito sa Kongreso kung bakit mayroon judge na nagbababa ng order at tserman na hinayaan na magiba ang mga bahay sa panahon ng pandemya.
Nagpapasalamat naman ang mga residente sa Hermosa at magiging kampante na sila sa agarang pagtungon ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila partikular na sa tulong ni Valeriano at muli silang makababalik sa kanilang mga tahanan.