Advertisers

Advertisers

AKUNA MUNA BAGO PBA OPENING

0 435

Advertisers

KAILANGAN muna ang bakuna para sa buong family ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) bago ang pagbubukas ng Season46 na ilang beses nang naurong ang petsa dahil sa panibagong record high reports sa COVID-19 cases.

Mula sa orihinal na April 9, to 11, at 18, hindi pa rin sigurado kung kailan ang opening ng pro league. Hindi na nga papasukin ng liga ang bubble set up dahil sa dami ng problema at laki ng gastos last year na nasa Php70 million, bukod pa sa hirap na inaabot ng players, staff at officials sa layo ng venue na walang uwian sakani-kanilang pamilya up to the end ng bubble for months.

Mainam na lang din, nasubok ang tatag ng liga na kahit1-conference ay nakaraos ang Season 45 amid pandemic period. Suportado ng SAN MIGUEL CORPORATION (SMC) ni Pres./COO RAMON S. ANG at MVPgroups ni Big Boss MANNY PANGILINAN ang vaccine. Kung vaccinated dawkasi lahat sa PBA, baka mas mabilis desisyunan ng Inter-Agency TaskForce (IATF) ang balik-laro .



YUN lang, magpapatupad pala ng salary cut ayon kayCommissioner WILLY MARCIAL apektado ang players, coaches, officials,assistants at personnel, except utility workers.

Wait lang, alok daw ni Gov. MATTHEW MANOTOC ng IlocosNorte na mag-host sa isa pang PBA bubble. Abangan kung kakagatin itoinstead na semi-bubble sa unang plan

MATAPOS ang ten (10) days na lockdown sa dalawang complex ng National Sports Associations (NSA’s), matindingdisinfection daw ang isinagawa at hinigpitan pa ang health securityprotocols, ayon kay Chairman WILLIAM ‘BUTCH’ RAMIREZ, ng PHILIPPINESPORTS COMMISSIONS (PSC).

Dahil ito sa sumisirit pang reports sa bilang ng COVID19 cases for the past few weeks na ikinabahala ni Chairman base saisinagawa nilang testing. “We sent all athletes home even before theimposition of the first lockdown last year,” Wala na palangnag-eensayong atleta ngayon, as in, walang naka-stay dahil ginamit na rin ang pasilidad sa isolation at quarantine ng mga may kaso ng COVIDunder the program “ We heal as one”.

Ginagamit nila ngayon ang ilang NSA venues na hindi sakopng PSC. Asahan ang mas mahigpit na protocols at contact tracingkasunod nito.



Happy birthday to City Housing Head FRANK CABOTAJE,BERT ALINGAROG of HRMD, Mandaluyong LGU, and to MAR F. SANTOS of Gen. Trias, Cavite . May you all all be showered with the best blessings.HAPPY READING!