Advertisers

Advertisers

Alex Gonzaga Youtube Superstar at in-demand endorser, Toni namamayagpag sa Toni Talks At I Feel You at over 3M na ang YT Subscibers

0 406

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA            

NGAYONG parehong namamayagpag sa Youtube ang sisters na sina Alex at Toni Gonzaga ay masaya ang kanilang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga sa success na ito ng kanilang mga daughter na kapwa sikat na celebrity.

Sa kanyang Instagram ay i-pinost ni Mommy Pinty ang kanyang pagbati kay Toni para sa over 3 million subscribers nito sa sariling Youtube channel na Celestine Gonzaga-Soriano at digital show na “Toni Talks.”



Isa kami sa viewers ng show ni Toni and infairness lahat ng episodes nito ay matataas ang views like ‘yung collaboration ng TV host kay Ivana Alawi ay humamig ng 4.4 million views, What Alex discovered about Mikee after their wedding-5.8M views, Mommy Pinty Spills the Tea na 2.8 million (counting) naman ang mga nanood.

Ilan pa sa naging bisita ng singer-actress sa Toni Talks ay ang celebrity couple Doctors na sina Vicki Belo and Hayden Kho, Ma’am Charo Santos, Melai Cantiveros, Baron Geisler, at marami pang iba.

Umabot din sa 1.6 million views in 2 days time ang interview ni Toni sa komedyanteng si Jobert Austria. Hindi lang sa kanyang YT network patok si Toni, maging ang isa pang digital show na “I Feel You” na produced ng ABS-CBN Star Cinema na nasa season 4 na ay malakas din. Samantala, patuloy naman ang pagtangkilik ng fans and supporters sa Vlog ni Alex Gonzaga na as of presstime ay 10.4 million na ang subscribers sa official Youtube channel nito.

Isa rin siya sa most in-demand celebrity endorsers at kalat ang naglalakihang billboard nito sa Edsa at iba pang lugar para sa ineendorsong Jag Jeans. Pinatunayan nina Alex at Toni na kahit saang platform sila mapapanood ay marami silang followers all over the world.

***



No.1 Lady Fan Ni Bea Alonzo Sa Ireland, Bigating Song Lyricist ang Friendship

Isa pa lang international song lyricist ang Irish na kaibigan ni Madam Ma. Victoria Latimer na love ang actress na si Bea Alonzo.

Yes, atahi-tahimik lang si Ma’am Victoria pero bigating lyricist pala ang kaibigang si Alec at ang husay nitong sumulat ng song.

Through our love Ma’am kindness (Ma. Victoria) ay napakinggan namin sa Whats App ang dalawang kantang ginawa ni Sir Alec na “The Face Behind the Window” na inawit ni Mooneen na cousin ni Maria Victoria. Ang song ay tungkol sa deaths from Covid.

Mala-Broadway song ang dating nito na nabigyan ng justice ni Ms. Mooneen. Then itong “Please Fill Up My Paper Cup” na latest song ni Sir Alec na isang country song na kapag napakinggan mo ay siguradong kaiinlaban mo sa sobrang ganda ng lyrics at melody.

Ang naglagay ng melody sa kanta ay isang American. Pero say pa ni Madam Victoria, ang gusto ng kapwa nito Irish ang siyang kakanta ng kanyang song. Nakatakda na itong ipadala ni Sir Alex sa Irish agent. Ang dalawa na matagal ng based sa Ireland ay nagmamay-ari ng kilalang Nursing Homes sa nasabing bansa.