Advertisers

Advertisers

Ancajas nakabalik na sa bansa

0 209

Advertisers

NAKAUWI na sa bansa ang world boxing champion na si Jerwin Ancajas matapos ang pitong buwan na pananatili sa US at ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang IBF junior bantamweight title laban kay Jonathan Javier Rodriguez.
Kasama nitong nakauwi si Filipino Olympian Eumir Marcial.
Dadalawin kasi n Marcial ang amang may sakit sa Zamboanga bago sumabak sa training camp ng national team sa New Delhi, India.
Dumiretso ang mga ito sa Marine Base sa Ternate, Cavite para sila ay i-quarantine base na rin sa COVID-19 protocols.
Umaasa si Ancajas na mapapabilis ang kanilang pag-alis sa quarantine dahil nabakunahan na sila laban sa COVID-19 habang sila ay nasa US.