Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SUPER excited na si Heart Evangelista sa pagsisimula ng kauna-unahan niyang lock-in tapings para sa kanyang bagong seryeng gagawin sa Kapuso Network, ang “I Left My Heart In Sorsogon” na makakasama niya sina Richard Yap at ang isa pang Kapuso actor na si Paolo Contis bilang sa ikalawang leading man ni Heart.
Super ready na ang byuti ni Heart, sa katunayan pa nga ay ilang maletang damit ang kanya-kanyang dala na gagamitin sa lock-in tapings plus ang mga mamahalin niyang branded na bags and mga ladies accessories.
Pero bago pa man pumunta ng hotel na ang buong cast ay mananatili sa loob ng halos isang buwan na lock-in tapings ay may request ulit si Heart sa pamunuan ng naturang hotel na kanilang tutuluyan, heto ay ang dalhin sa loob ng hotel ang kanyang alagang asong Pinoy o aspin na si Panda.
Si Panda ang alagang aso ni Heart na isang rescue aspin. Madalas makita si Panda sa mga vlogs at post ni Heart at kasa-kasama niya ito ng madalas sa tuwing bumibiyahe siya patungong Sorsogon.
“I spoke to the owners of the hotel if they can allow Panda to be with me. Because she will die [without me]! After the lockdown, we’ve been together for so long. She cannot live without me and I cannot live without her,” natatawang bahagi ni Heart.
At sa mga subscribers ni Heart sa kanyang vlogsite ay tuluy-tuloy pa rin daw ang kanilang bonding kahit nasa lock-in tapings na si Heart. Dinala rin ni Heart ang kanyang mga ginagamit na equiptment sa tuwinang gumagawa siya ng video blog. Pag wala raw siyang taping ay vlogging naman daw ang aatupagin ni Heart.
***
SA kabila ng ingay ngayon ng community pantry na nauuso sa bansa ay join na rin ang byuti ni Gabbi Garcia at dedma sa mga bash na matatanggap.
Ibinahagi ni Gabbi ang ilan sa mga kaganapan sa version niya ng community pantry na matatagpuan sa BF Northwest, Paranaque City, hindi kaya naisip ni Gabbi na ang sariling bersyon niya ng community pantry ay may chance na mahaluan ng kulay pulitika?
“Posting this with nothing but pure and good intentions this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way,” ani Gabbi.
Say pa rin ng Kapuso IT Girl na hindi lang naman galing sa sariling bulsa ang mga goods na pinamamahagi ng bersyon niya ng community pantry, kundi effort daw ito nila ng kanyang mga close friends and love ones.
“Thank you to our small community for making this possible! Thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more,” dagdag na tugon ni Gabbi.
Sa ngayon, abala si Gabbi sa dalawang shows niya sa Kapuso Networks, ang “All Out Sundays” sa GMA-7 at sa “Love You Stranger” ang first serye nila ng dyowang si Khalil Ramos at ieere sa GTV.