Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TRENDING ang ibinahagi ni Judy Ann Santos na reaksyon ng kanyang anak na si Yohan Agoncillo habang nanonood ng concert ng K pop boy group na BTS.
Huge fan kasi si Yohan ng nasabing grupo na tinitilian ng mga kababaihan.
Sa in-upload niyang photo, kitang kita ang pagkagiliw ni Yohan sa numero unong Korean boy band.
Kinunan pa niya ang naka-post na babala sa kuwarto ng kanyang dalaga na ikinaloka ng aktres.
“BTS Concert ongoing at 2 PM. Please don’t disturb,” caption ni Yohan.
Hindi naman mapigilan ng celebrity mom na mapa-react sa pagkahumaling ni Yohan sa BTS.
“May magwawala pag nag-brown out!,” hirit ni Juday.
Nag-video rin si Judy Ann ng moment ni Yohan habang nagche-cheer sa grupo.
“Ladies and gentlemen, onti onti na pong nababaliw ang anak namin,” sey ni Juday.
Bilang dating faney, naiintindihan naman ni Juday ang kanyang anak.
Nag-post ito ng suporta kay Yohan na: “Go lang nak! Support kami diyan!”
***
TRENDING ang vlog ni Winwyn Marquez na ibinahagi niya ang kulitan nilang magkapatid kasama ang inang si Alma Moreno.
Present sina Winwyn, Vito, Yeoj at Vandolph, anak ng beteranang actress sa King of Comedy na si Dolphy.
Absent sa katuwaang ito si Mark Anthony Fernandez, ang anak ni Ness sa namayapang action star na si Rudy Fernandez.
Kinaaliwan ng netizens ang “Who’s Who Challenge” ng magkakapatid.
Sa nasabing challenge, tatanungin si Alma kung sino sa mga anak niya ang pinaka ang katangian at kung sino ang mapipili niya ay bubuhusan niya ng isang tabo ng tubig.
Sa tanong kung sino ang pinakamatigas ang ulo sa kanyang mga anak, unang binuhusan niya ng tubig si Vandolph.
Pinakamagastos naman si Vito Marquez, na dating miyembro ng all male dance group na Hashtags.
Si Yeoj naman ang pinakamalambing para kay Alma.
Ang beauty queen-actress na si Winwyn ang pinakamatalino at pinakamasipag mag-aral sa lahat ng kanyang mga anak para kay Loveliness.
Sa huli, lahat binuhusan ng aktres ang mga anak nang tanungin siya kung sino ang pinakamabait sa mga supling.
Pinakamaraming beses na nabuhusan ng tubig si Vandolph kaya nagreklamo ito lalo na nang sabihin ni Alma na ito ang pinakapasaway.
Humirit si Vandolph na dapat ay nandoon daw si Mark Anthony dahil kakabugin siya nito sa pagiging pasaway.
Marami naman ang natuwa sa closeness ng magkakapatid (kasama na si Mark Anthony) sa kabila ng katotohanang magkakaiba ang kanilang mga ama.