Advertisers

Advertisers

LIZARDOS, KAMPEON HANGGANG SUNOD NA HENERASYON!

To raise a champion ng MILO...

0 256

Advertisers

ANG bagong lunsad na ‘The Goal Diggers’- isang sports podcast program ay inilarga ang edisyon ng parenting series na “Raising a Champion” tampok si MILO-Philippine Taekwondo Association alumni Japoy Lizardo at Janice Lagman-Lizardo sa buwenamanong episode na inisponsoran ng MILO. Ang mag-asawang taekwondo enthusiasts ay sinariwa ang kanilang pagtahak bilang mga first-time parents kasabay ng pag-advice kung paano ma-engage ang mga musmos sa larangan ng sports. Base sa sariling karanasan sa kanilang supling, ang Lizardo couple ay natutunang ibigay sa kanilang anak ang ibat-ibang avenues upang maturuan silang piliin ang mamahaling larangan ng sports.

“Don’t force them to do what they don’t want to do. Kasi they will not excel pag pinipilit mo sila. Whatever they like, doon sila mag-excel. Let them choose what they want and don’t choose for them,” payo ni Janice kaugnay ng pagpapakilala ng sports sa bata.
Kaugnay ng kanilang anak na sina Jace at Jevi, ang karanasan nina Japoy at Janice’s ay malaking bagay sa paggiya sa mga bata kung ano ang pipiliing sports na makakahiligan nila at mag-ambisyong maging kampeon sa hinaharap.
“Jace showed strong interest in the martial art. Sa MILO Summer Clinic sa taekwondo, sinali namin si Jace,” ani Japoy. “Tinignan lang namin ano ang magiging reaction niya. Nagulat kami na natapos niya ang one-hour session na tuloy-tuloy. I am very happy naman na nagpapakita siya ng interest sa sports,”
Samantala ang dos años namang si Jevi ay nagpapakita na rin ng palatandaan sa sports na kinabibilangan ng kanyang magulang at kuya nito. “It’s good for them [kids] that they have activities,” wika ni Janice. “Para within the family, you will be healthy and magkaroon ng healthy lives.”
“As coaches also, we take stock of their experiences to teach their sons fun sporting activities to keep them interested and engaged..
Palaging dinadala ng mag-asawa ang kanilang supling sa training at sports venues upang maging giya na rin patungo sa mundo ng sports na kanilang kinagisnan.
“Kami ni Janice, we try to be a role model for our kids na nakikita nila kami nag-sports, kaya pati yung interest nila sa sports tumataas talaga,” ani pa Japoy na isang role model para sa aspiring young athletes sa pinakabagong MILO campaign, Mula Noon Hanggang Ngayon.
“The MILO Champion Habit, where Japoy is featured as one of the coaches, is a six-minute exercise video designed to help kids form daily exercise habits. Additionally, MILO also offers interactive online classes to give kids a chance to be trained directly by MILO’s expert coaches. Parents can enroll their kids this summer at the MILO Interactive Online Classes”.ayon sa ‘the Goal Diggers.(Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">