Advertisers

Advertisers

Move on na talaga… John Lloyd binati sina Derek at Ellen sa nalalapit na kasal

0 282

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PURING-puri ni Derek Ramsay ang pagiging responsableng ama ni John Lloyd Cruz.

Siya  mismo ang naghahatid sundo sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias, pagbibida ni Derek sa isang panayam.



Na-timing naman daw na napaaga ng sundo si John Lloyd sa anak  at tiyempo na gising na rin si Derek.

Kaya naman nagkaroon ng pagkakataon na makapagkuwentuhan at tsikahan sila.

Nang magkita naman sila ay nagbatiaan at pagbibida pa nga ni Derek na nag-congratulate pa ito para sa kasal nila ng ex ni Lloydie na si Ellen.

Totally move on na nga si John Lloyd sa nakaraan nila ni Ellen at ‘di naman matitigil ang ugnayan nila dahil sa anak.

Never nakikialam si Derek sa usapan nina John Lloydie at soon to be wife na si Ellen regarding sa set up ng parenting sa kanilang anak na si Elias.



At wala naman daw silang problema sa isa’t isa at ikinatuwa pa nga ng Kapuso Hunk actor ang pagbati sa kanya ni John Lloyd.

At wala na ngang makapipigil pa sa kasalan ng celebrity couple at inanunsyo naman ni Derek na simple wedding lang ang magaganap ayon na rin sa kagustuhan ni Ellen at dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

***

Sunshine Dizon mauuna na mag ober da bakod kaysa  Lovi Poe

MALAMANG nga raw na maunang mag ober da bakod si Sunshine Dizon matapos na hindi na ito nag-renew ng kontrata sa Kapuso.

Huling serye ni Sunshine ang  Magkaagaw at after nga nun ay di na ito pumirma pa ng panibagong kontrata.

Sa anunsiyo ng ehekutibo sa 100 projects na ginawa ng network eh never nabanggit o nakasali si Sunshine at si Lovi Poe.

At isa rin sa Kapuso actress na napipintong lumipat ay  si Lovi.

Last project na rin nito ang Owe My Love at never na ito nag-renew ng kontrata.

Pero sa malamang nga raw ay mauuna na si Sunshine dahil tila kasama na siya sa serye ng lumipat din na Kapuso actress na di Janine Gutuerrez.

Well, well, well…’Yun na!