Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
CLOSE si Miles Ocampo sa mag-inang Kris at Bimby Aquino.
Katunayan sa recent video na na-upload sa kanyang Facebook page sa okasyon ng ika-14 na kaarawan ng kanyang bunso, labis ang pagpapasalamat ni Kris kay Miles Ocampo sa pag-aasikaso nito para maayos ang kanilang vlog.
Hindi napigilang maging emosyonal ng dating presidential sister sa kanyang pag-a-appreciate sa efforts ng young actress.
Sa naturang video, ikinuwento ni Kris ang pagpapahalaga nila kay Miles at kung gaano rin nito suklian ang pagmamahal nilang mag-ina sa kanya.
Biro pa ni Bimby, kapatid niya si Miles sa ibang nanay at binuhat pa niya ito habang nakayakap sa kanya.
Ayon naman kay Kris, ang tipo ni Miles ang babaeng gusto niyang mapangasawa ni Bimby.
Naikuwento pa ni Kris na noong Valentine’s day ay pinadalhan ni Bimby ng bulaklak si Miles nang malaman nitong hindi pa ito nakatatanggap ng bulaklak sa Araw ng mga Puso.
Pagbabahagi pa niya, nabigla umano si Bimby nang makita niya ang presyo ng bulaklak ngunit inorder niya ito gamit ang sarili niyang pera.
Isa umano si Miles sa mga taong hindi nagdalawang-isip na tumulong para matapos at umabot ang kanilang video sa schedule na dapat nilang i-upload ito.
***
Super Tekla pumalag sa akusang balik-droga
Matapos ang mga espekulasyon tungkol sa pagpayat ni Super Tekla, minabuti ng Donekla na ipakita ang kanilang ginagawa.
Sa panahon kasi ng quarantine, bukod sa biking, nag-eehersisyo rin ang dalawa at maging sa pagkain ay naging conscious na ang komedyante.
Kaya naman, kahit nakasakay sa kani-kanilang mga bike ay suot pa rin nila ang face mask bilang pagsunod sa health protocols na ipinatutupad.
Pinaliwanag din nilang napagpasyahan ni Super Tekla na magpapayat dahil na rin sa maraming mga komento tungkol sa kanyang pagtaba.
Ayon pa kay Donita Nose, ang pangangayayat ni Super Tekla ay epekto ng masigasig na pag-eehersisyo at hindi dahil bumalik ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot gaya ng akusa ng ibang netizens.