Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNG dati ay nagbigay pa ng takdang panahon si Sharon Cuneta para sa kanyang pagreretiro sa showbiz.
Aba ngayon ay tila nabago na ang ihip ng hangin at ‘di na nga raw ito magreretiro sa showbiz.
At ayon nga sa kanyang socmed account ay tila nga raw hindi pa siya pinagreretiro ng nasa Itaas.
Marami ang gulat sa nag-iisang Megastar dahil kahit 40 years na ito in showbiz ay nandun pa din ang charm nito sa netizens st patuloy s0iyang sinusuportahan.
At marami pa raw mapapasaya si Sharon sa kanyang mga proyekto na gagawin.
Thankful ang Megastar na sa kabila na naka-one year na ang pandemya ay may trabaho pa rin ito.
***
NGAYON nga raw na mag-asawa na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ay marami ang nag- aabang para sa kanilang magiging anak.
Matutupad na nga raw ang matagal nang pinapangarap ng nag iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos na mabibigyan na siya sa wakas ng apo ng kanyang panganay na si Luis.
Ngayong kasal na ang dalawa, ang pagkakaroon naman ng anak ang hinihintay ng marami para kina Jessy at Luis.
Pero may sitsit na ie-enjoy nga raw muna nila na sila lang dalawa na habang wala pang anak.
Well, well, well…’Yun na!