Advertisers

Advertisers

‘P19-B pondo ng NTF-ELCAC i-ayuda nalang’

0 302

Advertisers

ITO ang pinagkakaisahan ngayon ng mga senador matapos i-red tag at tila pinagbabantaan at hina-harass ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ilang organizers ng community pantry na umano’y mga aktibista at komunista.

Sa usapan sa social media nina Senador Joel Villanueva at Sherwin Gatchalian, sinabi nilang dapat nang tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC dahil nasasayang lang sa kalokohan nito ang pinaghirapang pera ng mamamayan (taxpayers).

“Oh my! We should move to defund NTF-ELCAC in the next budget. Sayang lang pera ng taong bayan. Reallocate the current P19B budget for ayuda. Mas kailangan ito ng taumbayan kaysa sa mga ganitong kalokohan!”, sabi ni Sen. Villanueva.



Sagot naman ni Sen. Gatchalian: “I agree bro. If these are the kind of people who will spend hard earned taxpayer’s money, then it’s not worth it.”

Ang conversation na ito ng dalawang batang senador ay reaksyon nila sa ipinahayag ni NTF-ELCAC Spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade laban sa isang community pantry na si Patricia Non na umano’y isang aktibista o komunista.

“Alam mo, isang tao lang ‘yan ‘di ba? Same with Satan, binigyan ng apple si Eve. Doon lang nagsimula ‘yun,” say ni Parlade.

Sinang-ayunan din nina Sen. Frank Drilon, Nancy Binay, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan at Liela de Lima ang pinag-usapan nina Sen. Villanueva at Gatchalian. Anila, dapat busisiing mabuti ng Commission on Audit (CoA) ang mga pinaggagastusan ng NTF-ELCAC.

Nataranta naman sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief Cirilito Sobejana sa naging pahayag ng mga senador. Kinausap na nila si Sobejana na maghinay-hinay sa ginagawang pangre-red tag at pangha-harass sa mga community pantry orgaizers.



Kasunod nito ay may mga lumabas na larawan sa social media ng mga sundalo na may mga buhat-buhat na sako-sakong gulay at prutas na dinoneyt sa Maginhawa community pantry ni Patricia Non, isa sa organizers ng mga pantry na inaakusahan ng NTF-ELCAC na umano’y isang komunista.

May mga pulis naring nagtayo ng community pantry. Very good!

Sana nga’y tigilan na ng NTF-ELCAC ang pagiging tamang-hinala sa mga taong nagmamagandang-loob sa mga gipit nang mamamayan sa higit isang taon nang pandemya o wala pang lunas na karamdaman (Covid 19). Panahon ngayon ng tulungan…

Oo! Suportahan nalang natin ang mga nagsulputang community pantry, kahit pa komunista ang nasa likod nito as long na hindi naman nanghihikayat ng pag-aaklas para ibagsak ang pamahalaan, sagot ito sa lumalalang kahirapan na hindi na kayang tugunan ng gobyerno na nabaon narin sa mga utang sa paglaban kuno sa Covid-19.

Ang Pilipinas ay nakabaon na sa higit 10 trilyong utang at patuloy pang umuutang. Mga utang na babayaran hanggang ng ating kaapo-apohan. Mismo!

***

Guest namin nitong Biyernes sa NPC weekly forum via Zoom si Quezon Gov. Danilo Suarez. Isa sa mga naitanong natin sa kanya kung sino ang susuportahan niyang kandidato sa pagka-presidente sa 2022. “Siempre ang mananalo. Babae.”

Sino kaya ‘yun? Si VP Leni ba o si Inday Sara?

Ang Quezon Province ay may mahigit 2 milyong popula-syon. Malaki ang magiging ambag nito sa susuportahan nilang kandidato sa nasyunal. Mismo!