Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA pagpasok ng bagong taon, isa sa wish ni Sanya Lopez ay makilala na ang Mr. Right at magkaroon na ng dyowa dahil No Boyfriend Since Birth o NBSB ang peg nito.
Pero tila sa ngayon ay keber na ni Sanya kung magkaroon man siya ng boypren o wala ngayong taon dahil sa nagbago ang takbo ng kanyang karir nang magklik sa masa ang first time ever title roler niyang teleserye na “First Yaya” katambal si Gabby Concepcion.
Sa biglang pag-angat ng karir ay dumami ang mga bagong offer kay Sanya na nag-aantay sa kanyang availability. Pag break na muna kasi sa lock-in taping ng kanyang “First Yaya” ay gora naman ang byuti ni Sanya sa taping ng isa pang show sa GMA-7 together with no less than Sen. Bong Revilla, Jr, ang “Agimat Ng Agila” na mapapanood every Saturday night sa GMA-7, o diba, bonggang-bongga si Sanya dahil sa halos lahat ng kanyang shows sa GMA-7 ay blocktimer, Monday to Saturday.
May tsika na dinededma na raw ngayon ni Sanya ang kanyang mga suitor at kahit ‘yung nagbabalak na pormahan siya ay nai-intimidate dahil sa katanyagan ngayon ng dalaga.
“Naku, may mga pumoporma pa rin po. Hindi naman sila intimidated kasi very friendly ako sa kanila, sa lahat ng fans. Utang namin sa kanila ang success ng ‘First Yaya’, kaya wala akong karapatang magsuplada sa kanila,” saad ng Kapuso actress.
***
KUNG matatandaan ay buryong na buryong noon si Jasmine Curtis-Smith dahil sa lockdown at mag-isa lang siya sa bahay na tinitirhan. Binalak na last year ni Jasmine na umuwi muna sa ina niyang nasa Australia at gayun din makapiling ang ateng si Anne Curtis Heussaff na piniling sa Australia manganak pero inabutan ng lockdown.
Ngayong nasa Pinas na si Anne, at ilang buwan na rin naman ang anak ay wala pa rin balita kung kailan ito makikita ng kanyang followers samantalang si Jasmine naman ay sunud-sunod ang ginagawang proyekto kahit pa may pandemya.
Anytime soon ay sisimulan na niya ang bagong serye sa Siyete, ang “World Between Us” kasama sina Alden Richards at Tom Rodriguez. Ikatlong project na ni Jasmine ang naturang serye kasama si Alden.
“But last year, when the lockdown started, ang tagal ko ring bakante that I wished I joined na lang sana my sister, kasi sila magkakasama sa Australia at mag-isa lang ako rito,” ani Jasmine.