Advertisers

Advertisers

P2.8m shabu huli sa 5 tulak sa Marikina

0 324

Advertisers

DINAKIP ng mga tauhan ng Marikina City Police – Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang limang drug suspects sa Barangay Fortune, Marikina City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Eugene Lumbre alyas Daddy Tong, 61 anyos; Marlon Soriano, 34; Alex Amirel, 31; Princess Navena, 25; at Aila Tan, 36.
Ayon kay Police Colonel Restituto Arcangel, hepe ng Marikina City Police Station, ikinasa ang buy-bust operation sa Upper Balite sa nasabing barangay.
Nasamsam sa limang tulak ang shabu na tinatayang P2.8 million ang halaga. .(Gaynor Bonilla)