Advertisers

Advertisers

Sprinter Kristina Knott abot kamay na ang Tokyo Olympics

0 311

Advertisers

ABOT-KAMAY na ni Fil-American sprinter Kristina Knott ang Tokyo Olympics matapos ang kanyang magandang performance sa 2021 LSU Alumni Gold sa Baton Rouge, Lousiana ngayong Linggo.
Si Knott may oras na 11.28 seconds at nagtapos na fifith sa women’s 100-meter dash ay dumikit sa Olympic qualifying standard time na 11.15 seconds.
Ang double-medalist sa 2019 Southeast Asian Games ay sumabak rin sa women’s 200m Olympic Deve category, at may oras na 23 seconds para sa bronze at dumikit sa 22.seconds Olympic standard time.
Samantala, pinoste ni Fil-American Eric Cray ang kanyang best-season performance sa men’s 400m hurdles sa Drake Relays sa Des Moines,lowa ngayong Linggo,pero mas mabagal ng three seconds sa Olympic standard time.
Cray, na puntirya ang ikalawang Olympic appearance matapos sumabak sa 2016 Rio Games, ay may oras na 51.20 second na mas mabuti sa nakaraang Linggo na 51.61 sec sa Texas.
Ang Olympic standard time,dapat ay 48.90 seconds.
Sina Knott at Cray ay parehong may tsansa na maabot ang standard time dahil sa daming karera na nakapila ngayong Linggo.