Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
USAP-usapan pa rin ang pagge-guest ni Gerald Anderson sa vlog ni Julia Barretto.
Katunayan, ginawa ng ibang meme ang kanilang bonding moment na sumalang sa kakaibang challenge ang aktor.
Sa kanyang Just Julia challenge, sumalang sa drink and spill challenge si Gerald sa episode nitong Never Have I Ever.
Sa bawat affirmative na answer, kailangang tumungga ng tequila ng aktor.
Sa unang tanong kung may nasabihan na raw ba siya ng “I love you” na hindi niya totoong nararamdaman, sinabi niyang wala.
Kahit daw kasi sa pagganap sa mga pelikula at teleserye, kapag in character siya, pini-feel daw niya ang pagsasabi nito.
Sa question naman kung nagawa na niyang mag-usyoso sa kausap ng kanyang partner, never daw niya itong ginawa.
Never din daw siyang nag-check sa messages ng kanyang partner sa cellphone dahil nirerespeto niya ang private space nito.
Never din daw siyang tumagal na hindi naliligo sa loob ng dalawang araw.
Never din daw niyang hinagkan ang isang taong hindi niya kilala maliban na lamang kung sila ang nag-kiss sa kanya.
Sa dami naman ng never na sagot nito, feeling ni Julia ay nagpapaka-safe si Ge kaya pinayuhan niya ang boyfie na magpakatotoo.
Sa huling tanong naman kung nagawa na raw ba niyang magsinungaling para lamang ma-impress ang isang tao, hirit niya ay never daw.
Kung gagawin daw kasi niya iyon ay lalabas at lalabas pa rin ang totoo.
***
KINABILIBAN ng mga netizen ang nakamamanghang pole pose na ibinahagi ni Ciara Sotto sa social media.
Pahiga siya habang nakakapit ang dalawang kamay sa isang pole at ang kanyang dalawang paa sa isa pang pole.
Bukod sa kanyang kaseksihan, napahanga ang netizens sa kanyang kakaibang lakas sa pole dancing.
Marami rin sa kasamahan niya sa showbiz ang napahanga ng anak ni Senador Tito Sotto.
Si Ciara ang nagtatag ng Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA) noong Agosto ng nakaraang taon.