Advertisers

Advertisers

Juday at Lovi, out, Jodi at Sue, in sa Pinoy Adaptation ng ‘Doctor Foster’

0 275

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PINANINDIGAN ni Judy Ann Santos na mag stay at home at huwag muna magtrabaho dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

Nag-aalala pa rin si Juday dahil nga sa killer virus na laganap. Kahit nga ang kanyang fans ay nakikiusap na magbalik na dahil miss na nila ang kanilang idolo.



Pero buo ang pasya ni Juday na mananatili lang ito sa bahay at walang tatanggapin na kahit na anong proyekto.

May option naman sila sa pag-atras ni Juday at si Jodi Sta. Maria ang tila bagay na lead role sa Pinoy adaptation na Doctor Foster na mahilig sa K-drama.

Si Lovi Poe naman ang bulung-bulungan na gaganap na mistress kung matutuloy ang paglipat pero may sitsit na may negosasyon na mabigyan ng project at matuloy na ito  sa pagpirma ng aktres ng kontrata at manatiling Kapuso.

Kaya malabo na si Lovi at mabilis naman nakahanap ng kahalili ang Kapamilya network at si Sue Ramirez na ito.

Dalawa rin ang lead actor na pinagpipilian, si Zanjoe Marudo at Jericho Rosales.



***

Angel hiyang-hiya at walang mukhang maiharap

ISA-isang bumati ng happy birthday ang maraming tao na natutulungan ni Angel Locsin partikular ang cancer patients at mga scholar sa Bukidnon.

Maluha-luha naman si Angel sa pagbati ng mga tao na kanyang natulungan.

Pero bumuhos na ang luha ng aktres at ipinabatid nito na ang sandamakmak at marami nitong scholars sa Bukidnon ay nabawasan.

Ayon sa aktres, konti na nga lang ang kanyang scholars dahil sa pagkawala ng franchise nito sa ABS-CBN.

Sa pag amin ng fiance ni Neil Arce sa digi show nito na Iba Yan eh sinabi nito na nahihiya umano siya sa kanyang mga scholars sa Bukidnon.

Kaya ‘di raw nito napigil na mapaiyak na lang sa  pagkonti ng kanyang scholars.

Well, well, well…’Yun na!