Advertisers

Advertisers

Julia mas malakas tumoma kaysa Gerald; Yassi nagparamdam ang namayapang erpat

0 239

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

INIHAYAG  ni Yassi Pressman sa kanyang Instagram page ang pangungulila sa yumaong ama na si  Ronnie Pressman.

Sa  sobrang pagka-miss  ay  tila nagparamdam  daw sa kanya ang ama dahil  may kumatok sa pinto bandang 3:35 am.



“At  around 3:35 when you  knocked  initially wake up  with a fright,  but  somehow  I  knew  that  couldn`t  be  right, cause  I  couldn`t  explain  why  somewhere  in my mind, it  was  safe  and  very soon I slept  tight,” panimulang caption ni Yassi.

Sabi pa niya, “I often forget  that  you`re  gone. Cause I never  feel like  I`m  alone. And  in  my dreams  you  were  there again  reminding that  it`ll  be  ok  in  the end.”

Nakita  niya kinabukasan  paggising  niya  nasa social media  na ang videos  ng  ama  na  naka-tag  sa  kanya.

“In  the morning  I  checked  my phone I  saw  some  tagged  videos  of  you laughing, dancing, telling  me jokes. Coincidence?  Well, no  one  knows.

“So today and always, I  pray.  You`ll  be  here  with  me, til  we`re  together, again  someday,”  say pa ni Yassi.



***

SA  vlog  ni Julia Barretto na drink and spill na   kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson ay nakitaan na naman siya ng dahilan  para  ma-bash.

Comment  kasi  ng  haters  ni Julia  ay  palainom daw  pala ang actress  at  mas malakas  pa raw  uminom kay Gerald.

Lalo  pang nainis kay Julia ang haters niya dahil sa posting nitong, “He`s  not  the biggest  fan  of  taking  shots,  but  he  did  this for  me. My favorite  Drink and Spill  episode.”

Gusto lang daw ipagmalaki  ni Julia na mahal na mahal siya ni Gerald  dahil  ginawa nito ang hindi naman nakasanayang  ginagawa nito kaya very proud siya.

Naalala  tuloy ng  haters ni Julia ang vlog ni Gerald na pinakain  siya  ng street  food  na hindi naman niya kinain ang isaw, kwek kwek at pati na rin ang dinuguan na kanyang iniluwa. Ikinadismaya pa ng nakapanood ng vlog na hindi raw kilala ni Julia ang singkamas at manggang hilaw.

Pero  tila dedma lang ang magdyowa  sa negative comment  na ibinabato sa kanila. Ang importante ay masaya sila  at  walang ginagawang  masama.

Wala nga naman sila mapapala kung papatulan pa nila ang mga tao na walang magawa kundi mamintas at pumuna ng iba.