Advertisers

Advertisers

Singer-actress Marion dalawa ang pelikula sa Viva, 200K na ang followers sa socmed

0 253

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

HINDI pa nga nailapalabas ang comeback movie ni Sharon Cuneta na “Revirginized” na kasama ang VAA artist na si Marion Aunor, may special participation din ng dalaga sa coming soon release movie na “KAKA” na pinagbibidahan ng baguhang sexy star na si Sunshine Guimary, Ion Perez, at Gerald Napoles.

Yes, sa trailer ng Viva movie ay magkaka-eksena sina Marion, Sunshine, at Gerald na ang background music ay kanta ni Marion na “Mahal Kita Ngayon” na patok na single ng singer-actress sa Spotify.



At ang ganda at sexy ng daughter ni Ma’am Maribel Aunor sa nasabing scene but she still looks a wholesome star. Sa kanyang Instagram account and other social media account ay inap-load ni Marion ang trailer ng KAKA na merong thousand of views na mapapanood soon sa VivaMax.

Kung hindi kami nagkakamali ay baka mas mauna pang ipalabas ito sa Revirginized na sabi ay kasalukuyang nasa post production pa. Pero lucky si Marion na inspite of pandemic ay hindi nawawalan ng project.

Imagine, hindi pa natatapos ang 2021 ay nakadalawang movies na agad siya sa Viva. Nagpapasalamat nga pala si Marion at umabot na sa 200K followers ang isa sa kanyang social media account. Labis ang pasasalamat nito sa kanyang fans and supporters.

***

Direk Reyno Oposa Magbubukas Ng Food Business Na Wild Kitchen, At May Malaking Lupain Na Ide-develop Sa Siargao



Aming naka-chat last Saturday ang kaibigan naming director at movie producer na si Reyno Oposa.

Biniro namin si Direk at mukhang sanay na siya sa paulit-ulit na lockdown sa Ontario, Toronto.

Well, say pa ni Direk Reyno, sa haba raw ng pandemya ay tanggap na nila ng kanyang wife na si Ma’am Maria Cureg ang sitwasyon kaya instead na ma-stressout sila ay trabaho ang kanilang pinagkaabalahan at kapag day-off nila sa work ay ang pag-upload naman ng mga ginawang pelikula sa kanyang official Youtube network (Reyno Oposa) ang pinaglilibangan ni Direk.

Humingi nga pala ng dispensa si Direk Reyno sa mga naka-miss sa kanyang mga post sa kanyang FB account at nabiktima siya ng hacking pero mabuti na lang at naibalik na ito.

Samantala, bago magtapos ang 2021 ay nakatakdang bumalik ng bansa si Direk Reyno para sa re-opening ng kanyang business na Reyno Oposa Wild Kitchen Off Grid Edition. Ilang taon din siyang may negosyong litsong manok sa lugar nila sa Payatas.

Aside sa nasabing negosyo ay aasikasuhin din ng nasabing director ang pag-develop ng malaking lupain sa Siargao at magtatayo raw siya ng Glass house at marami siyang plano para sa ekta-ektaryang lupain.

***

“Ayuda Angels” Ng Chika Mo Vlog Kabog Parami Nang Parami

Wala pang one year ang “Chika Mo Vlog Kabog” na solo nang hino-host ng inyong columnist, patuloy sa pagrami ang aming viewers and subscribers.

At talagang very supportive at mababait ang mga viewers namin especially sa mga kababayan natin abroad na mga nagse-share ng kanilang blessings kaya tinawag namin silang “AYUDA ANGELS.” At tatlo sa pinaka-active na members nito na kaibigan na ang turing sa inyong Tita Tulfs (pangalan namin sa Vlog) ay ang very kind hearted na number one fan ni Bea Alonzo from Ireland na si Ma’am Ma. Victoria Lozanes-Latimer, na since day one ay parating may sine-share na biyaya sa amin.

Nakato-touched sobra na may ganitong tao sa panahon ng pandemic na ang turing sa iyo ay Kapamilya. Kaya naman always grateful at thankful kami kay Ma’am Victoria na binubusog  kami ng  iba’t ibang regalo.

Ang twin sisters naman from California na sina Ms. Eufemia and Ms. Annie Bautista ay kind and sweet din na walang patid ang pagbibigay ng ayuda sa amin at sa iba. Likas na sa magkapatid ang tumulong sa kanilang kapwa.

Sa bawat suweldo nila sa magandang jobs ay ilang percentage nito ay kanilang sine-share sa kapwa. Saka mahilig manood ng favorite nilang vlogs (including my Vlog) ang mag-sisters at ito na ang kanilang libangan sa  California na matagal na silang based.

Infairness, updated si Ms. Eufemia sa news sa showbiz.