Advertisers

Advertisers

Zonia Mejia big break ang TV series na ‘Heartful Café’

0 475

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAGSIMULA nang mapanood last Monday ang Heartful Café ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Julie Anne San Jose. Ito ay umeere after ng First Yaya.

Si Zonia Mejia ang isa sa casts ng drama romantic comedy series na ito at ipinahayag niyang malaking break sa kanya na mapabilang sa seryeng ito.



Saad ni Zonia, “Noong una, kinabahan ako at nakaramdam din ng pressure nang nalaman ko na makakasama ako sa Heartful Café. Kasi siyempre, ito po yung unang role na magagampanan ko sa GMA and gusto kong magawa talaga yung best ko at maging ito na yung big break ko.

“Hindi ko pa rin po kasi nakakatrabaho lahat ng co-stars ko rito sa show, pati yung director po namin na si Direk Mark Dela Cruz ay ngayon ko pa lang din po nakatrabaho.”

Dagdag pa ni Zonia, “Ito pong Heartful Cafe ang una kong teleserye na makakasama ako sa main cast. Kaya talagang nagpapasalamat po ako sa GMA at saka sa manager ko pong si Ms. Joy Marcelo, sa handler kong si ate Sab Bulatao, and siyempre sa co-manager kong si mama Jun Reyes.”

Tampok din dito sina David Licauco, Jamir Zabarte, Ayra Mariano, Victor Anastacio, Angel Guardian, at Edgar Allan Guzman.

Paano niya ide-describe ang seryeng Heartful Cafe? Lahad ng magandang young actress, “Ang Heartful Cafe po ay isang napakasayang teleserye na kailangan natin ngayong panahon na may pinagdadaanan ang lahat ng tao. Punung-puno ng mga eksenang nakakakilig, nakakatawa… may mga eksenang maiiyak ka rin.



“Iba’t ibang uri po ng love ang ise-serve namin sa Heartful Cafe. Pag-ibig sa magulang, kaibigan, sa trabaho, at siyempre sa iyong the one,” masayang saad pa ni Zonia.

Nabanggit din ng aktres na na-excite siya nang husto nang nalamang makakatrabaho niya rito ang iniidolong si Julie Anne.

Aniya, “Sobrang na-excite po ako nang malaman ko na si ate Julie Anne yung isa sa makakasama ko rito sa show at pinsan ko pa siya rito. Sobrang thankful ako na talagang tinulungan din ako ni ate Jules sa mga eksena na magkasama kami and sobrang bait ni ate Jules, sobrang humble kahit na sobrang hinahangaan siya ng marami, katulad ko po.

“Si Jamir naman ngayon ko lang din siya nakatrabaho at partner kami rito sa show. Nagpapasalamat ako sa kanya, kasi inaalalayan niya rin ako sa mga eksena namin. Very makulit si Jamir, nakakahawa yung energy niya sa set lalo na kapag gabi na at pagod na ang lahat.

“Nakakatuwa lang na siya yung una kong nakatambal dito sa GMA, kaya super thankful ako sa kanya.”

Produkto ng Pinoy Big Brother 737 si Zonia. Nakasama niya sa Bahay ni Kuya sina Barbie Imperial, Ylona Garcia, at Bailey May.

Si Zonia ay naging bahagi ng 2018 Star Magic Circle, ka-batch nina Leila Alcasid, Donny Pangilinan, Chantal Videla, at Tony Labrusca. Nang natapos ang kontrata niya sa Star Magic ay lumipat siya sa GMA-7.