Advertisers

Advertisers

NORTHSTAR ANG BIDA VS SOUTHERNERS

PCAP All-Star Game, IM Jan Garcia ang MVP..

0 210

Advertisers

NATAKASAN nang ga-buhok ng Northern All-Star ang karibal na Southern chessers 3-2 via Armageddon kung saan ang huling laro ay nanaig lang sa nalalabing sigundo ng taktakan sa idinaos kamakalawang 1st PCAP All-Star Game na inorganisa ng Professional Chess Association of the Philippines.
Mainit ang panimula ng Northerners na naghatid ng maugong na mensahe sa kalaban sa pagtala ng impresibong 12-2 panalo sa blitz portion sa unang hanay na sinundan pa ng mahigpitang 13-15 score sa rapids para sa 25-17 wagi.
Nagsimulang bumalikwas ang Southerners sa kanilang 7-7 score sa blitz para sa decisive 16-12 panalo sa rapids na nagtala ng 23-19 winning margin.
Sa nalalabing tig-one set sa bakbakan ay nag-resulta ng Armageddon para sa 5th boards.
Piniling pambato ng Northerners sina GMs Rogelio Barcenilla, Jr. at Darwin Laylo, IMs Pau Bersamina at Jem Garcia at FM AJ Literatus habang ang Southerners ay pabida sina GMs Mark Paragua at Joey Antonio, IM Joel Pimentel, NM Virgen Gil Ruaya at Ellan Asuela.
Balitaktakan ang labanan kung saan ay umiskor ng tig-dalawang panalo ang magkaribal na koponan at naseguro ang pananaig nina Barcenilla at Garcia kontra Asuela at Antonio ayon sa pangkasunod habang sina Paragua at Pimentel ay wagi kina Bersamina at Literatus.
Nauwi sa deciding match ang huling laban nina GM Laylo kontra NM Ruaya.
Sa endgame ay winning ang puntirya ayon sa posisyon ni Laylo habang habol na maisalba upang maitabla ni Ruaya ang laban.
Naging unpredictable ang taktakan sa pagpalitan ng bentahe bawat move pero naging matatag at maagap si Laylo sa endgame via checkmate sa huling 0.2 sandali ng kanyang orasan.
Ang dramatikong panalo ay siyang nagbigay sa Northern Division ng kauna-unahang PCAP’s All-Star Championship na isa nang tala sa kasaysayan sa larangan ng ahedres sa bansa.
Itinanghal si IM Jan Emmanuel Garcia, bilang All-Star Games MVP- wagi sa lahat ng kanyang laban – 2 blitzes, 2 rapids, at 1 Armageddon.
“ A spectacular victory for us Northeners, nagkatalo lang sa endgame.I conratulate our boys for a job well done. Hats off to our counterparts from the south for the great game,” wika ni Northern coach/ manager Dr. Fred Paez
Si Engr. Jojo Buenaventura ang may timon sa Southern team.
Pinasalamatan naman ni PCAP Commissioner Atty.Paul Elauria ang mga players, coaches, managers at lahat ng konsernado sa isang araw na chess extravaganza dahil sa ibinigay lahat ang buong makakaya para sa isang makabuluhang tagisan sa board na ang nakataya ay pride and prestige na maipagmamalaki sa buong chess community.”We witnessed a real first of a kind all-star spectacle where pride is the topmost stake between northern and southern best bets.The game was decided only in a close shave.A real buzzer- beater,” pahayag ni Elauria na nagpaabot din ng acknowledgment sa kanyang kasama sa pamunuan ng pro-chess na si Chairman Michael Angelo Chua at sa suporta sa liga ng San Miguel Corporation at sa basbas ng Games and Amusement Board.(Danny Simon)