Advertisers

Advertisers

Weightlifting federation magsasagawa ng tryouts para sa SEA Games

0 228

Advertisers

MAGSASAGAWA ng tryouts ang Samahang Weighlifting ng Pilipinas upang matukoy kung sino ang sasabak sa 2021 Southeast Asian Games.
Sinabi ni Federation president Monico Puentevella na ang tryouts ay gagawin pagkatapos ng Olympics, gaya ng Bacolod.
“Right after the Olympics, siguro sa August, lalaban dito sa Bacolod ang mga bata,” anya.
Kumpiyansa si Puentevella na ang Philippine team ay mapabuti ang kanilang performance sa 2019 SEA Games at home, kung saan ang local lifters ay nagwagi ng pitong medalya — two golds,three silvers at two bronzes.
Olympic— bound veteran Hidilyn Diaz ay nagwagi ng gold sa 55kg,habang si Kristel Macrohon ay pinagharian ang 71kg class.
Margaret Colonia at Elreen Ando nasungkit ang silvers sa 59kg at 64kg division, ayon sa pagkakasunod, habang si Mary Flor Diaz nahablot ang bronze sa 45kg class.John Ceniza wagi ng silver sa men’s 55kg, at dating Olympian Nestor Colonia nagdagdag ng bronze sa men’s 67kg.
“I think sa Vietnam, modesty aside, we will get more gold medals than in Manila,” Wika ni Puentevella.
Si Mary Flor Diaz ay nag-uwi ng three silvers mula sa 45kg division, habang si Macrohon nagdagdag ng two bronze mula sa 76kg division.Elreen Ando pumitas ng two silvers at bronze mula sa 64kg event.
Pero ang teenager Vanessa Samo ang lumitaw na superstar,matapos masungkit ang two gold medals at silver mula sa 71kg division.
“I’m sure si Sarno, walang laban ‘yan (sa SEA Games),” sambit ni Puentevella patungkol sa batang lifter na susunod sa yapak ni Hidilyn Diaz. “Sinong lalaban diyan?”
“Si Hidilyn, baka last ni Hidilyn ‘yan, I don’t know kung may balak mag-pamilya, basta Vietnam, andoon siya. So medalya rin ‘yun. Si Ando, medalya rin ‘yun. Si Macrohon, bata pa ‘yan, 23 years old. Pwede ring mag-gold ‘yan,” Dagda pa nya.