Advertisers
Ni BKC
SA pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong Mayo, mapapanood ang iba’t ibang kwento tungkol sa ating mga ilaw ng tahanan sa Cinema One na siguradong tatagos sa puso ng mga manonood.
Handog ng Mother’s Day Weekend Special ng cable channel ang mga hindi malilimutang pelikula tulad ng “Ina, Kapatid, Anak,” “A Mother’s Story,” “Sa’Yo Lamang,” “Tanging Yaman,” at “Anak” sa Sabado (May 8). Nariyan din ang Mama’s Girl,” “The Mommy Returns,” “Madrasta,” “Ang Tanging Ina,” at “Everything About Her” na eere naman sa Linggo (May 9).
Mga kwelang pelikula naman ang bibida sa Tuesday Comedy tampok ang “Unexpectedly Yours” ni Sharon Cuneta (May 11), “D Lucky Ones” nina Pokwang at Eugene Domingo (May 18), at “Momzillas” nina Maricel Soriano at Eugene (May 25).
Mapapanood naman sa C1 Exclusives section ng Cinema One ang “Ang Nerseri” ni Jaclyn Jose (May 9), “Mater Dolorosa” ni Gina Alajar (May 16), “Foster Child” ni Cherrie Pie Picache (May 23), at “Sandalang Bahay” (May 30).
Samantala, bilang selebrasyon pa rin ng Mother’s Day, mapapanood nang libre ang award-winning film na “Mamu: And A Mother Too” ni Iyah Mina sa Cinema One YouTube channel simula May 9 to 15.
Ilan pang pelikula na mapapanood sa nasabing channel ang “Bitukang Manok,” “Magic to Win 5 (Happy Ghost),” “Shift,” “UPCAT,” “Bandido sa Sapang Bato,” “Changing Partners,” “That Thing Called Tadhana,” “Asuang,” “Biokids,” “Aguilar at Guerrero,” “Daniel Bartolo sa Sapang Bato,” “and Basta Tricycle Driver, Sweet Lover” mula May 9 hanggang June 5.
Bigyang pagkilala si nanay at isama ang buong pamilya sa panonood ng Cinema One na available sa SKYcable channel 56. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Cinema One sa Facebook at sundan ang @c1nemaone sa Twitter at @cinemaonechannel sa Instagram. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
***
MYLENE IIMBESTIGAHAN ANG HIMALA NINA ANDREA AT FRANCINE
ISANG bagong karakter ang makikiusyoso sa ginawang himala nina Mira (Andrea Brillantes) at Joy (Francine Diaz) sa bayan ng Hermoso sa pagpasok ni Mylene Dizon bilang isang mamamahayag ngayong linggo sa Kapamilya teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Pagkatapos kumalat ang balita tungkol sa milagrong nagpagaling sa isang pulis, naging determinado si Eva Marquez (Mylene) na gawin ang sariling pananaliksik upang malaman ang totoong kwento sa likod nito. Hangad din niyang makausad bilang investigate journalist kaya naisip niyang magandang pagkakataon ito para sa kanyang karera.
Habang pinagpipiyestahan pa ng mga tao ang nangyaring himala, abala naman sina Mira at Joy sa paghahanap ng kani-kanilang mga ina at patuloy na nagdarasal kay Bro upang gabayan sila sa tamang landas.
Kahit wala pang nakukuhang impormasyon tungkol sa ina, may tiwala si Mira na makakasama ulit niya ito lalo na’t nangako si police chief Fidel (Allan Paule) na tulungan siya. Umiigting naman ang mga katanungan ni Joy tungkol sa kanyang ina habang mas marami siyang nadidiskubre tungkol sa kanyang pagkabata.
Makuha na kaya nina Mira at Joy ang kasagutan tungkol sa kanilang mga ina? Ano ang matutuklasan ni Eva sa himala?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.