Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MATAGAL na nga pinapangarap ng mga fans ni Claudine Barretto na makita na ang kanilang idolo sa telebisyon.
Sa post ni Claudine eh nagpahayag ito na magiging bahagi na siya ng isang noontime show sa TV5, ang Lunch Out Loud or LOL.
Abangan nga raw siya at isa na rin siya sa mga magiging host ng nasabing noontime show sa Singko.
Wala namang pagsidlan ng tuwa ang followers ni Claudine.
Kundi man serye o drama ang pagbabalik ni Claudine sa telebisyon kundi noontime show.
Okey naman sa kanyang fans na for a change eh makita nila ang idolo sa ibang putahe na di nila nakasanayan kay Claudine.
Hindi naman nasabi ni Claudine sa kanyang post kung regular co-host siya dun or guest lang.
Kaya naman aabangan ng mga Claudinians ang idol this weekend para ma-watch.
Sa dami na nga raw ng attempt ng pagbabalik telebisyon ni Claudine na puro udlot, this time eh this is it na nga raw.
***
SA loob ng sasakyan ni Ivama Alawi ang tinuturing nitong second home nito kaya naman pinaganda niya ito.
Itinour nga ni Ivana ang kanyang 13M subscribers sa kanyang pinaglulunggaan kapag may taping at shooting.
Itinuro naman nito ang sandamakmak na pagkain sa kanyang sasakyan na kapag ginutom ay may mangunguya.
Nagmukha ngang sari-sari store ang kanyang sasakyan at inamin naman ni Ivana na gutumin siya.
At ang isa sa importanteng laman ng kanyang sasakyan ay ang pinakatatagu-tago nito na asul na arinola.
Ayaw nga raw nito labas-pasok at mag-go sa CR kaya naman may arinola ito sa loob ng kanyang sasakyan.
Para kay Ivana, importante ang arinola lalo na at magdamagan at kung saan saan ang kanilang shooting.
Well, well, well…’Yun na!