Lovi todo-deny na nagpakasal na sa foreigner bf sa Tate; Alessandra deadma kahit naiwanan na ng byahe sa pag-aasawa
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PAGKATAPOS ng lock-in taping ng top rating serye ni Lovi Poe, ang “Owe My Love” ay fly agad ang kanyang byuti sa States kung saan nakabase ang kanyang foreigner businessman boypren na si Biencowe Montgomery.
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon na pag nagkikita sila ng boypren sa labas ng bansa ay napababalitang nag-secret wedding na ang dalawa. By this time ay malakas ang tsikang nagpakasal na umano ang dalawa nang lihim at dinaluhan lang ito ng ilang piling kaibigan at kamag-anak.
Hindi na rin naman nagulat pa si Lovi nang matanong ito sa kanya sa isang virtual interview. Sey ng dalaga, hindi raw ito totoo at sa katunayan pa nga raw ay hindi pa nila napag-uusapan ng boypren ang pagpapakasal.
“Actually, ni hindi pa namin napag-uusapan ang wedding. He has not even proposed and honestly, it has never crossed my mind.
“Kaya doon sa tanong na will we choose an Imono wedding ring sa kasal namin, bago wedding ring, siguro dapat, engagement ring muna kasi we’re not even engaged yet,” say ni Lovi.
Hindi naman priority ngayon ni Lovi ang pagpapakasal o paglagay sa tahimik, at maligaya naman siya kung ano ang sitwasyon ng relasyon nila ngayon ng bf.
Imbes na pag-aasawa ay tutok si Lovi sa kanyang mga trabaho, after ng “Owe My Love” ay magsisimula na si Lovi sa gagawing bagong pelikula at may recording pa siyang ginagawa ngayon sa States habang nasa bakasyon.
***
TAON na rin naman ang binibilang na wala pang napababalitang syota si Alessandra de Rossi. In her mid-thirties na rin ang magaling na aktres na kumpara sa mga ordinaryong Pinay ay nasa huling biyahe na si Alessandra para mag-asawa o magkapamilya.
Sa kanyang social media account ay binahagi ni Alessandra ang saloobin ng isang tulad niya na very much single and available at her age.
“Minsan when people make you feel you’re less of a woman, bec you’re not married or you don’t have kids yet or a ring on your finger. Para bang.. Pwede bang ito yung path namin?! Sige, what is the essence of a woman? Malay ko! I don’t even know the essence of a man!,” ani Alessandra.
Dagdag na say pa ni Alessandra na kung sa ibang babae ang nagbibigay ng kaligayahan sa kanila ay ang pagkakaroon ng asawa o pamilya ay okey lang daw ito kay Alex dahil sa kanya-kanya naman trip silang mga babae kung paano lumigaya kahit single.
“If motherhood or getting married is the best thing that ever happened to you, I’m happy for you. I’m sure it is the happiest place to be. Pero okay naman ako sa Jollibee.
“Kanya-kanyang trip lang ‘yan. Naiiyak nga ako sa magandang sunset and it’s also the best thing for me.
“And I seriously do not care. Whatever God gives me, I take it. Because I never asked for anything but my family’s safety. I never prayed for a man or a career,” dagdag pa rin ng award-winning actress.