Advertisers
ARESTADO ang tatlong drug suspects sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Police Station -2 Station Drug Enforcement Unit, Manila Police District, sa may bahagi ng Malaya Street, Barangay 124, Tondo.
Kinilala ang mga naaresto na sina Anna Loivina De Leon , 38; Atilano Layosa alias “Raprap”, 37; at Cristina Lim, 38. Narekober sa kanila ang 150 grams ng shabu worth P1.2 million at isang 45 caliber pistol.