Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NGAYONG tapos na ni Glaiza de Castro ang lock-in taping ng upcoming drama series na Nagbabagang Luha sa GMA 7 ay gusto na ng actress na mag-travel abroad para bisitahin ang boyfriend niyang si David Rainey sa Ireland.
Pero dahil sa mahirap pa rin ang mag-travel abroad ngayon ay babalikan muna ni Glaiza ang nasimulan niyang negosyo, ang pagtatayo ng isang cafe bar sa Baler, Quezon.
“Been working in this project since the start of the year with faith that one day we will be able to welcome you all here. We`re slowly trying to complete everything for now and have been fitting out the interior of our cafe.”
Samantala, may teaser na ang Nagbabagang Luha na pagbibidahan nina Glaiza at Rayver Cruz kasama rin ang anak na dalaga nina Diego Castro at Raven Villanueva na si Claire Castro at Mike Tan.
***
IBINAHAGI ni Jessy Mendiola sa kanyang latest YouTube vlog ang sariling type kapag gusto niyang bumili ng designer bag, kasabay ng unboxing ng bago niyang purchase na Louis Vuitton bag.
Ayon kay Jessy, kailangan niyang magbenta ng lumang designer bag para makabili ng bagong designer bag.
“Kuripot po talaga ako,” pag-amin ni Jessy. “Para makabili ako ng isang bagong bag, I always make sure na I`m letting go of one of my bags in my collection.”
“For me, if more than 10 na yung bags mo, it`s just too much. That`s just me, ha, that`s my opinion. Hindi rin talaga ako ma-bag na tao, but I like having classic pieces with me in my collection,” aniya.
Ayon pa kay Jessy, hindi raw siya magastos talagang tao pero once in a while ay bumibili siya ng kung anong gusto niya dahil she deserves it for working hard.
“I work really hard and I like to reward myself once in while. I don`t want to come off mayabang naman or I don`t want to come off na magastos. When you work hard, hindi naman necessarily kailangan Louis Vuitton, but alam mo yun, buy something that you really like.
“Kahit ano pang brand yan, kahit ano pang bagay yan – sapatos, bag, cellphone or whatever – na feeling mo, makaka-reward sa hard work mo, then, go ahead , go for it,” say pa ni Jessy.
Ang payo nga ni Jessy kapag may gusto kayong bilhin at mayroon kayong hindi na nagagamit na stuff, ibenta na lang daw ito para hindi na kayo maglalabas ng pera.
“Yung pera na nakuha mo sa mga bagay na ibinenta mo, yun yung ipapambili mo ng bagong bagay na gusto mo.” aniya.
***
HINDI ikinahihiya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ipakita sa social media ang kanyang stretch marks at cellulite habang naka-bikini.
Ipinapakita lang ni Miss UNiverse 2015 kung gaano nya kamahal ang kanyang natural na katawan na hindi na kailangan dayain or photoshop pa ang kanyang imperfection.
“We`re more than a number on a scale, a filter on Instagram or the opinion of other people, I was a bit hesitant to post this pic `cause I`ve been called so many names over the years, but you know what this body has carried me through life and I will honor it – cellulite figgles and all,” caption pa ni Pia.
Trending ngayon sa mga kababaihan na i-post ang kanilang natural and unedited bodies sa social media. Ginawa na ito ng mga sikat na supermodel at sikat na international singers.
Pero karamihan pa rin ng mga kalalakihan ay mas gusto pa rin ang perfect na katawan na walang stretch marks at kamot. Ang dating daw kasi sa mga babae na may ganoon sa katawan ay may anak na or marami nang nakarelasyon.