Advertisers

Advertisers

Takot daw matukso ulit sa ex-dyowa… Maja inayawan si Gerald makasama sa serye, pinalitan ni Yam

0 220

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA panayam sa kanya ng Mega Magazine, inamin ni Maja Salvador na tinanggihan niya na makatrabaho ang ex na si Gerald Anderson sa teleseryeng Init sa Magdamag.

Ang lead role na inialok sa kanya sa naturang serye ay napunta kay Yam Concepcion.



Aniya, ginawa raw niya ito bilang respeto sa kanyang boyfriend na si Rambo Nunez.

Marami raw kasing maiinit na eksena sa nabanggit na show ng Star Creatives na sa tingin niya ay di niya kakayanin.

Hirit naman ng kibitzers, natakot daw madarang o matukso ang actress sa charm ng kanyang ex kaya tinurn down nito ang offer.

Naging topic din ito sa online show nina Ogie Diaz at Loi Villarama na natalakay ang nasabing isyu.

Naging trending topic pa si Gerald dahil sa rebelasyon ni Maja na naungkat pa ang kanilang nakaraan.



Matatandaan kasing nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Maja at Kim Chiu dahil kay Gerald.

Taong 2010 nang maging magdyowa sina Kim at Gerald at si Maja na itinuring niyang kaibigan ang naging confidante niya noong may pinagdaraanan ang kanilang relasyon ng aktor.

2013 naman naging magkasintahan sina Gerald at Maja na nang mausisa sa Chinita Princess sa isang panayam ay kanyang ikinabigla.

Naging kontrobersyal din si Ge dahil sa ghosting issue niya kay Bea Alonzo at sa pag-amin nito sa relasyon nila ni Julia Barretto.

Dahil dito, hindi napigilang magkomento ng manager ni Liza Soberano na grabe ang kamandag ng Fil-Am actor.

Sey pa ng actor at online show host, gifted daw o ‘daks’ si Gerald.

Inurirat naman ni Mama Loi si Mama Oggs kung bakit niya nasabing well-endowed ang actor.

Hirit niya, may mga taong nakakakilala raw sa aktor ang nagsabi sa kanya tungkol sa nag-uumapaw na hotness nito.