Advertisers

Advertisers

Babae tinanggalan ng mata nang masagasaan ng truck ng bumbero

0 303

Advertisers

KINAILANGANG operahan upang tanggalin ang mata ng isang babae nang masagasaan ng fire truck ng Bureau of Fire Protection (BFP), Linggo ng gabi sa Pateros City.
Kinilala ang biktima na si Annie Tiar, 31 anyos.
Samantala, kinilala ang driver ng truck ng bumbero na si FO2 Ramon Lactao II, 36, nakatalaga sa Pateros Fire Station. Nasa custody na siya ng pulisya at nahaharap ito sa kasong ‘Reckless Imprudence Resulting in Physical Injury at Damage Property’.
Sa report ng Pateros Traffic Bureau, base sa kuha ng CCTV, naganap ang insidente 8:45 ng gabi sa kahabaan ng M. Almeda St., Brgy. Magtanggol.
Naglalakad sa sidewalk ang biktima kasama si Salome Perez nang biglang sumalubong sa kanila ang fire truck na humaharurot.
Sinubukang umiwas ng dalawang babae, ngunit nahagip si Tiar.
Nabangga pa ng fire truck sa unahan ang isang nakatigil na itim na kotse at nakaligtas naman ang isang motorcycle rider na nadapa para makaiwas sa truck.
Kaagad inaresto ng mga pulis ang bumberong si Lactao. Tumanggi itong magbigay ng pahayag hinggil sa insidente.
Nabatid sa barangay na itinuturing na accident-prone area ang naturang kalsada.(Gaynor Bonilla)