Advertisers

Advertisers

Kim Rodriguez binash, nakabikini sa tuktok ng bundok

0 372

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

PARANG nabunutan ng malaking tinik sa dibdib si Bong Revilla, Jr.  nang makarating sa kanyang kaalaman na hit ang first episode ng “Agimat Ng Agila.”

Nakakuha pa ng ito ng high 16.1% rating sa AGB Nielsen surveys at gayun din ang sumunod na episode nito ay nakakuha rin ng mataas na rating.



“Kabado talaga ako dahil ang tagal kong nawala. Ganun talaga ako kapag may bagong project, grabe ang anxiety ko, lalo pa ito, comeback ko sa GMA 7,” say ni Bong.

Inamin din ni Bong na ngayon ay mas marami na ang mga good comment ang pinadadala  sa social media account niya. Dati raw bago i-ere ang kanyang show ay katakut-takot na batikos ang mga natatanggap niyang komento. Tulad na lang na ibo-boykot daw ito ng mga televiewers at walang commercial na makukuha ang kanyang show.

Sa takbo ng pangyayari ay tila walang bisa ang sinasabing boykot ng masa sa kanyang comeback show after 5 years almost na hindi umarte sa harap ng kamera. Sa taas ng rating na hindi ini-expect ng production team ng “Agimat Ng Agila”.

Maging ang commercial loads ng kanyang show ay tambak kaya medyo nabitin ang mga viewers. Hindi rin biro ang ginastos sa show ni Bong, all out sa gastos pagdating sa  production.

“I really want to thank GMA for their great support kasi ginastusan nila talaga ang show. Parang pelikula ang pagkakagawa ni Direk Rico Gutierrez sa ‘Agimat ng Agila’ at very impressive ang special effects. Ang maganda, marami ring pumuri sa tema ng show na pro-environment protection,” saad pa ni Bong.



***

MARAMING netizens ang naloka sa byuti ni Kim Rodriguez na nagpost ng mga larawan na naka-two piece bikini, pero hindi sa tabi ng swimming pool o sa beach kundi nakatayo sa tuktok ng bundok.

Marami tuloy sa mga netizen ang binash si Kim, at nagsasabing bakit naka-swim wear kung maghi-hiking? Papansin na raw ang young actress sa kanyang pinost?

“Hindi po ako nag-hike nang naka-bikini.

No-hike mountain ang Treasure Mountain, and they even have a swimming pool and waterfalls. Please know the facts muna po. Thanks and hope everyone’s safe and sound,” sabi ni Kim.

Sa unang tingin kasi sa naturang viral photo ni Kim sa Instagram ay makikita ang isang larawan na suot niya ay isang two-piece bikini at ang background niya ay mountain view.

At para hindi na dumami pa ang mga bash  ni Kim sa kanyang photo ay nagpost pa rin siya ng ilang larawan habang naglalakad sa mabatong daanan na hindi naka-swimwear at isang larawan na nagtatampisaw sa waterfalls na nakasuot ng damit pampaligo.