Advertisers
MISMONG ang kanilang apo na nakatakda sanang puntahan ng biktimang mag-live in partner ang nakakita sa bangkay ng dalawa na duguan at may mga taga sa loob ng kanilang bahay sa Mangaldan, Pangasinan.
Kinilala ang mga biktima na sina Wilfredo Cuizon at Francisca Eden.
Sa ulat, papunta sana ang dalawa sa bayan at dadaan sa bahay ng kaniyang apo.
Pero nang hindi dumating ang mga biktima, nagpasya ang apo na puntahan ang kaniyang lola’t lolo sa bahay at doon niya nadiskubre ang duguang katawan ng dalawa na nasa sahig.
“Para silang pinatay lang na baboy na iniwanan lang po,” anang apo.
Inihayag ng pulisya na isa sa tinitingnan na posibleng motibo sa krimen ang negosyo ng mga biktima na nagpapautang.