Advertisers

Advertisers

Senator Kiko diniin, never ipagpapalit si Sharon

0 393

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA kanyang emote sa social media, nagbigay ng  mensahe si Senador Kiko Pangilinan sa kanyang asawang si Sharon Cuneta sa okasyon ng Araw ng Mga Ina.

Aniya, wala raw kaparis ang Megastar at hindi niya ito ipagpapalit sa anumang bagay sa mundo.



Bukod sa pagiging mabuting asawa, nagpapasalamat din siya sa pagiging mapagmahal at mapagkalinga nitong ina sa kanilang apat na  anak.

“Thank you for all that you have done and have sacrificed for our kids and our family,” aniya. “I would never trade being a husband to you or being a dad to our kids with anything in the world. I love you dearly!” dugtong niya.

Nagbigay din siya ng tribute sa kanyang inang si Mommy Emma sa pag-aaruga nitong ginawa sa kanya.

“Thank you Mommy for your amazing sacrifice and tireless, relentless efforts in educating us, raising all of us to be God fearing, prayerful 9 kids. I love you Mommy Happy Mother’s Day!” pahayag niya.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nag-celebrate ang mag-asawang Kiko at Sharon ng kanilang 25th wedding anniversary.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">