Advertisers
Ni BKC
Namamayagpag ngayon sa ratings ang action-packed fantasy drama series ng Kapuso Network na ‘Agimat ng Agila’ na pinagbibidahan ng nagbabalik-telebisyon na si Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Nakapagtala ang pilot episode ng serye noong May 1 ng 16.3% na NUTAM People rating habang nitong nakaraang Sabado (May 8) naman ay nakakuha ito ng 16.7% ayon sa data ng Nielsen Phils.
Taos-puso ang pasasalamat ng lead actor na si Bong na gumaganap bilang si Major Gabriel Labrador, ang tagapagmana ng kapangyarihan ng mahiwagang agila.
Aniya, “I honestly did not expect na ganito kainit ang magiging pagsalubong at pagtanggap nila sa aking pagbabalik-telebisyon. Words will not be enough to express my overwhelming gratitude. Sabi ko nga, nakakataba ng puso ang kanilang naging pag-abang at pagsuporta.”
Malaking inspirasyon din daw ang viewers sa buong cast at sa lahat ng bumubuo ng Agimat ng Agila upang lalong pagbutihin ang kanilang trabaho, “Sila po ang naging motivation namin noon to ensure the quality and come up with this kind of program.”
Pinatikim naman ni Bong ang viewers sa mas kapana-panabik pa na mga eksena na dapat abangan sa Agimat ng Agila, “Umpisa pa lang po ang inyong napanood, at tiyak na lalo pa kayong masisiyahan sa mga susunod na linggo. Paganda pa ng paganda ang magiging takbo ng istorya kaya huwag po sana kayong bibitaw.”
‘Wag nang magpahuli sa intense at exciting adventures ni Major Gabriel sa ‘Agimat ng Agila,’ tuwing Sabado, 7:15pm, sa GMA-7.
Tekla, bibigyang-buhay ang kwento ni “Tubig Queen” sa #MPK
Ngayong Sabado (May 15), tunghayan ang nakakaantig na kwento ng pakikipagsapalaran ni Dodoy, ang “Tubig Queen” ng Cebu City, na gagampanan ni Kapuso comedian Romeo “Tekla” Librada sa Magpakailanman.
Mulat man sa kahirapan, likas na masiyahin at puno ng pag-asa si Dodoy na kilala hindi lang sa buong lungsod kundi pati na rin sa social media bilang ang nag-iisang “Tubig Queen” ng Cebu.
Nais makapagtapos ni Dodoy kaya’t masigasig siyang tumulong sa ina at ama sa paglalako ng tubig kahit sa murang edad. Dumanas siya ng pangungutya sa mga kamag-aral pero hindi siya nahiya dahil alam niyang walang makakatulong sa kanya kung hindi ang sarili.
Hindi naglaon ay sumikat si Dodoy sa mga parokyano dahil hinahaluan niya ng mga gimik katulad ng pagsusuot ng makukulay na costume ang kaniyang pagtitinda.
Dahil sa kaniyang pagsusumikap, nakapagtapos si Dodoy sa kolehiyo at pinarangalan din siya bilang isa sa mga outstanding youth ng kanilang lungsod.
Kilalanin ang kwento ng isang batang hindi itinuring na hadlang ang kahirapan para makamit ang kanyang pangarap sa episode na pinamagatang “Reyna ng Tubig: The Jay Kummer “Dodoy” Teberio Story”, ngayong Sabado, 8pm, sa Magpakailanman.
Mga kanta nina Julie Anne at Ruru, pasok sa ‘Ballad International’ playlist ng Spotify
Parte ng ‘Ballad International’ playlist ng Spotify ang ilang mga kanta nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Kapuso actor Ruru Madrid, bagay na ipinagmamalaki ng kanilang avid fans at listeners.
Ayon sa Spotify, ang collection na ito ay naglalaman ng “world’s best emotional songs.” Pasok dito ang cover ni Julie Anne ng ‘Your Song’ ng Parokya ni Edgar pati ang single ni Ruru na ‘Maghihintay’ under GMA Music.
Kilala talaga ang talento ng dalawa kaya naman lagi silang inaabangan tuwing Linggo sa weekend variety show ng GMA na ‘All-Out Sundays.’ Samantala, kasalukuyan din napapanood si Julie bilang si Heart sa primetime series na ‘Heartful Cafe.’