Advertisers

Advertisers

Janella nawala ang kumpiyansa sa sarili nang manganak; Alessandra sinabihan ang ina na mukhang pera

0 268

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MARAMI  ang nakapapansin  na gusto nang maging tatay ni Alden Richards. Mahilig at madalas na kinagigiliwan niyang kargahin ang mga bata na nakikita o nakakasalamuha. Kutunayan, si Baby Baste nga ang isa sa kanyang mga tropa.

Madalas  nahuhuli  o nakikita si Alden na kapag nasa labas at kapag nakakita ng bata (noong panahong wala pang pandemic at puwede  pang lumabas ang mga bata) ay kaagad lalapitan at kakausapin na aakalain mo na kanyang anak.



Lumalabas nga sa Twitter ngayon ang maraming video na may karga-kargang bata si Alden na  hinehele at kinakausap pa ang baby.

Sabi tuloy ng mga fan na gusto na ni Alden na maging tatay. Pero ang malaking tanong ay kung kailan at kanino? Sa ngayon kasi ay wala pang syota si Alden kaya paano naman mangyayari yon?

***

INAMIN ni Janella Salvador na nawala ang kanyang confidence matapos manganak at maging isang  ina.

“ I wouldn`t  say I got  fully  depressed  but  there  are  many  times until now  that  I have  to remind myself  that, `Hey  you gave birth to a human. That`s  pretty  hard.  Because  after giving birth, I really lost  confidence in myself, a  lot  of  confidence,” say ni Janella sa interview sa kanya ng Metro style.



Ipinagtapat  din ni Janella na kapag tumitingin siya sa salamin ay hindi na niya nakikita ang dating sarili.

Hindi na raw niya matandaan kung kailan siya nakatulog nang mahimbing dahil parati siyang puyat sa pag-aalaga ng kanilang baby ni Markus Paterson na si Jude.

Wala naman daw problema ito kay Janella at nagpapasalamat siya sa kanyang partner dahil tulong sila sa pag-aaruga kay baby Jude. Si Markus daw ang nagpapatulog sa gabi  at  siya naman ang gumigising tuwing madaling araw.

Ayon kay Janella, plano niya kapag nagkaroon ng oras ay bibisita siya sa derma  clinic  for her  `me time.`

Wala naman pinagsisihan si Janella dahil napakasarap daw magkaroon ng baby at mapagmahal na live-in partner.

***

PINALABAS na mukhang pera ni Alessandra de Rossi ang ina nang regaluhan niya ito  noong Mother`s Day ng bouquest of flowers na nakatali sa mga bulaklak ang maraming pera.

Nakaposte sa Instagram ni Alessandra ang video ng kapatid na babae habang bumababa ito sa hagdanan para puntahan ang kanilang nanay na nasa kuwarto.

Humalakhak ng tawa ang kanilang nanay nang makita ang bouguet of flowers.

“ In the end @ermatsko`s  possessed  laughter  is all  we need! Lagi  kasing  tinatanong  kung ano ang gusto, perahin na lang daw, noted! ”

Pinasalamatan  ni  Alex ang  kapatid  sa  paghahatid  ng kanyang regalo.

Kinontra ni Alex ang kapatid at sinabing  hindi totoong mukhang pera ang kanilang nanay dahil hindi nga nito napansin kaagad ang mga pera sa bulaklak.

Katunayan nakita lang ng kanilang nanay ang pera nang ituro nila ito sa ina. Sabi ganoon daw talaga  magbiruan at magkulitan sina Alex at kanilang nanay.

Sa halip na magtampo ay tawa nang tawa na lang ang kanilang nanay na gustong pinagti-tripan ng kanyang mga anak.