Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ANG ating bansa pati na rin ang buong mundo ay dumaraan pa rin hanggang ngayon sa isang matinding pagsubok dahil sa coronavirus o COVID-19.
Naapektuhan nito ang buhay ng tao pati na rin ang ekonomiya. Bumagsak ang stock market at turismo, maraming kompanya rin ang nagsara, nawalan ng trabaho at mga hindi natuloy na projects, lalo na sa mundo ng showbiz.
Naging mahirap sa atin na itigil ang mga shows at events sa entertainment industry, mabuti na lang at may social media at malaganap ang naabot nito.
At dito nagsimula ang “THE BASH WITH JOBERT SUCALDITO” na napalabas noong September 30, 2020. Sumabay ito sa online world upang magkita-kita, magsama-sama, at marinig muli ang pinakabago at pinaka-juicy na balita sa loob at labas ng Philippine showbiz.
Mula sa pamagat mismo, ang host nito ay si Jobert Sucaldito na isang veteran showbiz news anchor at columnist, kasama ang vlogger, social media influencer, at Kumu artist na si Maine Nadaya.
Ang “The Bash with Jobert Sucaldito” ay isang oras na online showbiz magazine talkshow at ipinalalabas ng live sa Facebook at YouTube tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes, simula ika-apat ng hapon.
Ang “The Bash” ay isa rin sa nanguna sa paggamit ng online platform na ito upang makapagdala ng maiinit na balita hindi lang sa mundo ng showbiz kundi pati na rin ang kasalukuyang kaganapan sa ating bansa. Tulad na rin ng isyu ng ‘child car seat law’ na nilinaw ng Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Ms. Goddes Hope Libiran sa programa. Maging mga isyu tungkol sa face-to-face classes, vaccine, curfew, at ang paglulunsad ng Bayanihan Act ay tinalakay din dito.
Siyempre, ang naging maugong na eklusibong phone-patch interview kay Lindsay de Vera hinggil sa isyu na binuntis umano ito ni Dingdong Dantes na pinick-up rin ng iba pang mga showbiz online portals sa programa.
Gayondin ang iba pang maiinit na isyu tungkol kina AiAi delas Alas, Aiko Melendez, Phoemela Baranda, Mocha Uson, Sean de Guzman, Mark Herras, Jeric Raval, Dingdong Avanzado, at marami pang iba na naimbitahan na makapanayam sa programa. May pa-bonus pang blind items na tiyak na magugustuhan ng madla.
Kaya, upang mauna sa pinakabagong chikaBASH, ugaliing panoorin ang The BASH at huwag kalimutang i-like, follow, and subscribe ang kanilang official Facebook Page, Instagram at YouTube Channel!
FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/TheBash2020/; INSTGRAM: https://www.instagram.com/thebash_2020/; YOUTUBE CHANNEL: https://www.youtube.com/channel/UCxc1d0_5p17ZVBaueXRj12g.