Advertisers
NATAGPUAN ang bangkay ng 2 construction workers makalipas ang 2 araw na paghahanap sa Barangay Rorogagus, Marawi City .
Kinilala ang mga biktima na sina Eleazar Tanghian at Marlon Buenviaje, kapwa construction workers galing Lanao del Norte at nagtatrabaho sa Marawi.
Iligal na droga at love triangle ang sinisilip na anggulo sa pagkamatay ng dalawa.
Natagpuan noong Biyernes sa ilog sa Barangay Rorogagus ang bangkay ni Tanghian .
Ayon kay Marawi Police chief, Lt. Col. Thomas Pantaleon, nahulog sa ilog si Tanghian habang tumatakas matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang gunman.
Ayon sa pulisya, naikuwento ng misis ni Tanghian na gumagamit ito ng iligal na droga.
Natagpuan din sa gilid ng kalsada sa parehong barangay ang bangkay ng kasamahan ni Tanghian na si Buenviaje.
Ayon sa misis ni Buenviaje, isang araw bago ang pamamaril, ikinuwento sa kaniya ng mister na nililigawan siya ng foreman nila sa construction site, na kinilalang si alyas “Allan.”