Advertisers

Advertisers

P13.6m shabu huli sa 2 tulak sa Taguig

0 291

Advertisers

ARESTADO ang 2 tulak ng iligal na droga sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Taguig, Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Melanie Capin, 35 anyos, vendor, ng B38 L14 Jakarta St., San Marino Salawag, Dasmarinas Cavite; at Jeffrey Sadiasa, 31, waiter, ng B14 L15 Carnation St., T.S. Cruz Subd., Las Piñas City
Isinagawa ng PDEA-NCR, Southern Police District kasama ang ilang Taguig Police ang buy-bust operation sa open parking lot ng isang mall sa FTI Arca South, Taguig City.
Nakuha sa mga tulak ang 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon. (Mark Obleada)