Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA serye muna popokus si Alden Richards habang hindi pa nasisimulan ang napabalitang pelikula nila ni Bea Alonzo.
Atat na nga ang kampo nina Bea at Alden na makita ang kanilang idolo sa big screen.
Pero dahil sa ipinatutupad na health protocols ay mahigpit ngayon ang shooting ng film.
Nakaamba pa rin kasi ang panganib ng killer virus na Covid -19 sa bansa. Kaya ang inaasam-asam ng mga fans nina Bea at Alden ay naudlot ma-watch na sa film ang dalawa nilang idolo.
Gusto mang simulan na ang film na A Moment To Remember ay kaanselado na muna ang shooting nito.
Muli raw kasing naghigpit ang pamahalaan sa mga shooting kaya pagsamantalang naudlot ang pagwa-watch ng fans sa kanilang mga idol.
Tinantya naman na baka sa August ay masimulan na ang shooting ng film nina Bea at Alden.
Wish din ng execs ng GMA-7 na sana raw pag gumiling na ang kamera sa Bea-Alden film ay nasa bakuran na ng Kapuso ang aktres.
Sa ngayon habang walang raket si Bea ay nananatili ito sa kanyang Beati Farm.
***
keber sa tuksong punggok, payat at kawayan…
Kris Bernal, naghubad sa kanyang 32nd birthday
WALA ngang nakapigil kay Kris Bernal kahit pa nagkalat ang mga body shamers.
Hindi pa man ito nagtatalop o naghuhubad sa kanyang IG para sa kanyang 32nd birthday, marami na siyang naririnig sa kanyang bashers.
Noon pa naman nila sinasabi na punggok, anorexic, payat at kawayan na si Kris pero deadma naman siya sa mga pintas na yun.
Ginulat naman ni Kris noong May 17 na mismong 32nd birthday nito sa kanyang socmed ang pagpo-post nito ng pics na nakahubad.
Inaasahan ng kampo ni Kris na may mga bato na naman na isyu ang kanyang mga haters.
Sa kabila noon ay marami pa naman nag-like at pumuri at nagbigay ng magagandang komento sa post ni Kris.
Eto na ba raw ang bagong Kris after nito maging freelancer, tanong ng netizens?
Sa kabila ng pagiging freelancer ay okey lang si Kris kahit saang network, ang mahalaga ay may work and soon to be wife na siya.
Well, well, well…’Yun na!