Advertisers
NASILAT ng No. 1 team sa Eastern Conference na Philadelphia Sixers sa hiwalay din nilang first round playoffs laban sa Washington Wizards, 125-118.
Pinamunuan ni Tobias Harris ang opensiba ng top seeded team sa kanyang kinamadang 37 points.
Ang MVP candidate na si Joel Embiid ay nagposte ng 30 points habang si Ben Simmons ay inalat at nagpakita lamang ng anim na puntos.
Sa kampo ng Wizards nasayang ang 33 points, 10 rebounds at 6 assists na nagawa ni Bradley Beal.
Si Russell Westbrook naman ay nagtapos sa 16.
Naging bayani si Trae Young nang bitbitin ang Atlanta Hawks sa una nilang panalo sa Game 1 laban sa New York Knicks sa iskor na 107-105.
Nagawa kasing maipasok ni Young ang kanyang tira sa kabila na meron na lang 0.9 seconds ang nalalabi sa 4th quarter upang gulatin ang Knicks lalo na ang mga fans.
Nahirapan ang Knicks na rendahan si Young mula sa simula na nagtapos ng 32 points, 10 assists at seven rebounds.
Wala ring tigil ang pang-aasar ng mahigit 15,000 New Yorkers kay Young na pinayagang manood sa pamosong Madison Square Garden.
Inabot din kasi ng walong taon bago muling nag-qualify sa NBA playoffs sa Eastern Conference ang kanilang team.Samantala, nanguna naman sa Knicks si Alec Burks na may 27 points, 3 rebounds at 4 assists.
Para naman kay Juluis Randle na inalat din sa game at mistulang nanibago sa playoff dahil nagpakita lamang ng 15 puntos, babawi raw sila sa Game 2 na muling gagawin sa kanilang homecrowd.