Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
Ayon kay Barbie Fortez tapos na raw siya sa pa-sweet o pa=teeny bopper kaya handa na siya sa mas challenging at daring role.
Pero paglilihaw ni Barbie, hindi pa raw yung daring na magpapakita ng skin, Unti-unti lang daw at hindi yung biglaan paghuhubad.
“ I want a more sophisticated role. More sophisticated, mas edgy, mature, pero never said daring. I never said I`m ready for a more daring role. Siguro unti=unti. Gradual dapat ang pag-level up,” say ni Barbie
Ang pagpayag niyang pagsabak sa daring role ay kailangan paghandaan niya at tatanggapin ito ng kanyang pamilya
“I`m not saying na hindi ako aabot, pero hindi siya madaliin. Siyempre kailangan ko rin i=ready yung parents ko, ang family ko. Kasi big leap siya para sa akin,” say pa ni Barbie.
Tungkol naman sa showbiz career ng boyfriend na si Jak Roberto ay suportado niya ito kahit sumabak ito sa mga daring role.
***
Robin binatikos sa pag-swab test sa sarili
Posibleng batikusin si Robin Padilla dahil sa sinabi raw nito na puwedeng i-swab test ng mga tao ang kanilang sarili na delikado kung tutuusin dahil puwedeng malagay sa kapahamakan o disgrasya.
Makikita nga sa Instagram ni Robin na nagsa=swab test siyang mag-isa. Makikitang dahan=dahan ipinapasok ni Robin ang swab stick sa kanyang ilong at pagkatapos ay inilalagay niya ito sa tube, saka ginawa ang iba pang procedure.
Ganoon din ang ginawa ng ibang kasama ni Robin na ang iba ay napapangiwi at napailing ng maraming beses habang pinapasok ang swab stick sa loob ng ilong.
Ayon sa caption ay hindi na nahintay nina Robin at mga kasama ang magswa-swab test kaya sila na lang ang gumawa nito sa kanilang sarili.
“6 ng umaga mag-umpisa na kami ng trabaho pero wala pa ang nurse. HIndi dahilan sa mga mandaragat ang walang nurse, kailangang isagawa ang covid test, basta isaksak mo ang swab stick hanggang sa dulo at makiliti mo ang utak mo, kapag naluha ka na saka mo iikot ng 5 hanggang 8 segundo yun na raw yun. Aabot antigen test courtesy of pareng kiko,” caption ni Robin.
Pero para sa mga basher ay mali raw ang ginawa ni Robin na pagpo-post ng swab testing sa sarili dahil haka gayahin ito ng mga hindi medical frontliner na gawin ito sa kanilang mga sarili o kanilang pamilya.
Kung may nagsabi na mali ang ginawa ni Robin ay mayroon din nagsabi na tama lang ang ginawa ng actor.