Advertisers

Advertisers

Saan galing binibentang Covid-19 vaccines?

0 236

Advertisers

BALITANG may mga nagbebenta ng Covid-19 vaccines. Bawal ito, sabi ng Department of Health (DoH).

Kaya ang Metroplitan Development Authority (MMDA) ay nagpahayag na siguradong makakasuhan at makukulong ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng bakunang kontra Covid-19.

Ang local government units partikular ang Manila City ay agad nagpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagbebenta ng naturang bakuna.



Ang tanong: Kung may nagbebenta man, saan kaya ito galing? Smuggled ba? Kung smuggled, bakit nakalusot sa Bureau of Customs?

Kung wala namang smuggled o nakalusot sa Customs, saan galing ang sinasabing mga binibentang bakuna? Eh si Vaccine czar Carlito Galvez lang naman ang nangangasiwa sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid-19. At lahat ng mga dumating o biniling bakuna pati ang donasyon ng China at Amerika ay sa Department of Health (DoH) bu-mabagsak, right?

Hindi kaya ang mga binibentang bakuna ay palusot ng kung sinong mga gago sa taga-DoH?

Kung hindi naman galing sa DoH, ‘di kaya ang mga astig na opisyal ng administrasyon ang nagpalusot nito? Kasi wala namang magkakalakas-loob na magparating sa bansa ng mga bakuna kung ‘di bagyo kay Pangulong Rody Duterte. Say n’yo, mga pare’t mare? Manmanan!

***



Nagwawala na ang mga taga-Marawi City na nawalan ng tahanan sa limang buwang giyera noong 2017. Apat na taon na kasi ngayon ay hindi parin nare-rebuild ang kanilang lugar. Ang pramis kasi sa kanila noon ni Pangulong Duterte, pagkatapos ng giyera ay kaagad silang pagagawan ng bahay ng mas maganda pa sa dati nilang ta-hanan. Eh isang taon nalang sa kapangyarihan si Duterte ay nasa “very poor” evacuation center parin ang marami sa mga residente.

Sabi, mahigit-kumulang ay nasa P350 billion ang dona-syon sa Marami. Kabilang na sa perang ito ang P5 billion na Yolanda fund.

Ayon sa Muslim leaders, puros “drawing” lang ang pramis sa kanila ni Pangulo Duterte.

Pero sabi ni Task Force Bangon Marawi chairman Eduardo del Rosario, ang rehabilitation ng Marawi ay nasa 55 to 60 percent palang at nasa pandemya pa ang bansa. Ibig sabihin ay malabo ngang makumpleto ang pangakong “better Marawi” ng Pangulo. Mismo!

Ngunit ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang rebuilding ng Marawi City ay makukumpleto under Duterte’s term. Wish ko lang!

Ang maganda siguro rito, gawan ng kasulatan ng mga taga-Marawi itong ipinahayag ni Roque. Na kapag ‘di nakumpleto ang pag-rebuild sa lungsod under Duterte’s regime ay siya’y liletsonin. Ehek! Bawal pala sa Muslim ang letson. Kapunin nalang!!!

***

Totally… BIGO si Pangulong Duterte sa kanyang pramis na sugpuin ang iligal na droga partikukar shabu sa loob ng “3 to 6 months”.

Oo! Nasa huling taon na ngayon ng kanyang termino si Duterte pero ang droga ay talamak parin, lalo pang lumala kahit napakarami nang pinaslang sa kasong ito. Kung dati rati ay “piso pisong” halaga lang ang nahuhuli ng mga awtoridad, ngayon ay mababa na ang tig-isang milyon ang hakaga. Kilo-kilo na ang nasasamsam halos araw-araw. Saan nanggagaling ang mga basu-rang ito? Sino ang nasa likod ng sindikatong ito ng droga? Kilala n’yo ba?