Advertisers

Advertisers

Jasmine tinirahan at ninakawan ang nabiling condo

0 293

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI akalain ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith na ang binili pala niyang condominium unit ay may tumirang ibang tao at binaboy pa ang kanyang unit.

Ayon kay Jasmine, isang taon at kalahati matapos niyang mabayaran ang naturang condo ay binalak na niya itong tirhan. Pero ganun na lang ang labis na pagkagulat ni Jasmine ng ang naturang condo ay may ibang taong tumira at nag-iwan pa ng kung anu-anong kalat.



Ikinagulat din ni Jasmine na hindi lang kinalatan kundi tinangay pa ang ilang bagay sa loob ng kanyang unit.

“Story of this unit, purchased this as an investment almost 6-7 years ago. Wasn’t able to utilize it for a year and a half after turnover because of my lack of knowledge in property handling! I was about to move in after that year and a half but when I got to the unit, it was lived-in.

All the plastic sealing of my sinks, faucets, etc. were torn and with empty bottles, sachets and whatnot left behind! They even stole the range and cabinet handles that came with the unit,” say ni Jasmine.

Ayon naman daw sa management ay kapapalit din lang daw ng guard halos kasabay ng pagkabayad  ni Jasmine sa kanyang unit. At dahil sa magandang usapan nila ng management ay pinasya na lang ni Jasmine na wag na lang ibenta ito bagkus ay tirahan na lang niya at ng mga kamag-anak sa Australia sakaling magbakasyon ang mga ito sa Pinas.

“I thought about how useful this place will be not just for me but for overseas family visiting in the future. Like my mama who likes being near the shops and cafes,” dagdag ng Kapuso actress.



Sa ngayon ay abala si Jasmine sa lock-in taping ng seryeng ginagawa sa Kapuso Network, ang “The World Between Us” na dalawa pa ang kanyang leading men, sina Alden Richards at Tom Rodriguez.

***

KUNG sa “My Special Tatay” ay isang mentally challenged man ang role ni Ken Chan at nagdala sa kanya ng mga papuri, mas magiging mapangahas ngayon si Ken sa bagong teleserye  sa GMA-7 afternoon serye, ang “Dalawang Ikaw”  katambal muli si Rita Daniela.

Hahamunin ang kakayanan ni Ken dahil sa hindi lang isa ang kanyang karakter kundi dalawa. Sa naturang serye, may sakit si Ken na tinatawag na Dissociative Identity Disorder na nagbabago ang kanyang karakter mula sa isang normal na tao at nagiging isang mapanganib na baliw.

“Masasabi kong isa ito sa pinakamahirap na roles assigned to me by GMA 7. Sabi ko nga, napaka-blessed ko talaga dahil nabibiyayaan ako ng mga proyektong may advocacy. Sobrang challenging niyang gawin kasi hindi lang isang tao ang ginagampanan ko dito kundi dalawa at hindi natin alam dahil baka mayroon pang ibang mga katauhang lalabas,” say ni Ken.

Hindi lang sa karakter niya naging mapangahas si Ken kundi pati sa love scenes nila ni Rita na gumanap na asawa niya.

“Sobrang nakakatuwa lang kasi naa-anticipate na namin ang moves ng bawat isa. Importante yun kasi very mature ang roles namin dito and kailangan talaga namin ipakita sa mga eksena namin ‘yung buhay mag-asawa,” dagdag pa ni Ken.