Advertisers

Advertisers

Rabiya, mabilis napalitan ang ex bf at may bago na itong the one

0 290

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

KITA sa IG ng ex-bf ni Rabiya Mateo na burado na ang mga larawan na magkasama sila.

Ginulat na lang kasi ni Rabiya ang netizens sa hiwalayan nila ng frontliner bf na si Noel Salvacion.



Natsika rin na mabilis na napalitan ni Rabiya ang ex-dyowa.  Nakita raw kasi sa post ni Rabiya na may kasama na ito na kumakain sa isang resto sa Beverly Hills at tila ito na ang ipinalit ni Rabiya sa dating nobyo.

Yes, isang model na Fil-Italian umano ang ipinalit ni Rabiya kay Noel. Ang new bf daw ni Rabiya ay ex-PBB housemate na si Andre Brouillette.

Nag-post din nga si Andre ng pics sa IG nito na kasama si Rabiya at nagbigay pa ito ng sweet message.

Puwede naman daw maging sila dahil wala na rin si Andre ang gf nito na taga-PBB rin na si Lou Yanong.

Dahilan ba para manatili sa Tate si Rabiya at nag-vacay  at kasama na pala raw nito ang  bago nitong dyowa.



Kahit ang kanyang mga followers ay nagtatanong kung si Andre na ba ang bago nitong bf?

***

ISA raw sa hindi malilimutan ni Judy Ann Santos ay ang maudlot ang pagganap nito ng sirena.

Bata pa lang nga daw ito ay talagang pinangarap na niyang makaganap na sirena.

Kaya naman nang mapasama sa movie ni Alice Dixson, ang Dyesebel ay masayang-masaya si Juday.

Natandaan pa nito na 8 years old pa lang siya nung mapasama siya sa movie na Dyesebel at susukatan na nga raw siya ng costume na pang batang sirena.

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ng esmi ni Ryan Agoncillo ay hindi siya natuloy rito.    Grabe nga raw ang iyak nito noon at talagang naudlot ang dream role na maging sirena.

Well, well, well…’Yun na!