Advertisers

Advertisers

Magtiyuhin pinatay sa loob ng bahay; 2 pa sugatan

0 216

Advertisers

PATAY sa pamamaril sa loob ng bahay ang magtiyuhin sa Tondo, Maynila. Ang ama’t ina ng isa sa mga biktima ay sugatan din.

Kinilala ang mga nasawi na sina Raymond Tington at ang pamangkin na si Obet Tington. Nangyari ang pamamaril 2:00 ng madaling araw nitong Lunes. Sa ulo ang tama ni Raymond, habang sa tagiliran kay Obet.

Tinamaan din ng bala sa dibdib ang ama ni Raymond na si Popoy, at sa hita naman ang ina niyang si Bebeng.



Patakas na ang mga salarin nang makasalubong nila si Popoy na nagtangkang lumaban.
Ligtas na ang mag-asawa, habang kaagad nasawi ang magtiyuhin.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, nasangkot noon si Raymond sa illegal drugs at nahuli-cam din na nakikipagbarilan sa kanilang lugar.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.