Advertisers

Advertisers

Coco ‘di nagpa-VIP, pumila para mabakunahan; Acrobat kiss nina Derek at Ellen, trending sa socmed

0 217

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMI-rami na ring artista na nagpabakuna at maganda nga raw i-post ito para panghikayat sa mga takot magpabakuna.

Ang latest nga na nagpa-vaccine ay si Coco Martin sa Greater Lagro, QC at hindi naman itinanggi ng kampo ng aktor na ito ay may hypertension, asthma at pati na rin fatty liver.



Pero sa kabila na sikat na sikat na si Coco ay nagawa pa rin nitong pumila para sa lugar nila na may vaccine center.

Never ito sumingit sa pila para mauna, bagkus ay sumunod ito sa pila system.

Kaya hindi true na porke’t sikat ay ipa-priority na kahit si Coco ang pumila.

Hindi man daw ganun ang pila kaya naman maagang nasalang at natapos ang pagpapabakuna ni Coco.

Dahil marami nang mga artista na nagpapabakuna ay asahan na nga raw na maging requirement na ito sa mga lock-in taping.



Kung dati nga ay ni-require sa lock-in shooting swab test bago pa man sumalang sa shooting.

Paano na nga raw ang mga artistang takot sa bakuna, mapipilitan kaya na magpa-vaccine kung kailangan na sa kanilang work?

Hmmmp!?

***

HATI ang reaksyon ng netizens sa nakitang post sa engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na mayroon itong tinawag sa socmed na acrobat kiss.

Napagsama naman kasi nina Ellen at Derek ang romance at fitness goal.

Sa pics ay makikita na buhat ni Derek sa kanyang mga hita ang fiance habang kini-kiss ang aktor.

Ipinakita naman ng magdyowa ang kanilang ipinost na pics sa pagiging flexible.

Kaya naman hati ang reaksyon ng netizens na may mga pumuri at gusto pa nga gayahin ang couple.

Kung may natuwa ay may nainis naman sa pinaggagawa na paandar ng mag-dyowa na masyado na raw papansin.

Matatandaan na parehong nag-post na naka bikini lang si Ellen at si Derek ay muling nagpakita ng puwet.

Well, well, well…’Yun na!