Advertisers

Advertisers

Ken Chan at Rita Daniela, ibang klase magpakilig!

0 270

Advertisers

Marami ang nagulat at na-excite sa magiging project ni John Lloyd Cruz sa GMA Network! Noong Sabado, inanusyo na siya ay malapit nang mapanood sa GMA kasama ang ‘Wowowin’ host na si Willie Revillame.

Matatandaang lumikha ng ingay ang recent announcement ng pagbabalik-showbiz ni John Lloyd. At talaga namang excited ang kanyang fans na mapanood syang muli matapos niyang mag-break sa showbiz ng apat na taon. At masaya sila sa balitang mapapanood na nila ang kanilang idolo sa GMA para sa grand event ng isang shopping app sa June 6.

Ang inaabangan din ngayon ay kung bukod ba rito ay may iba pang projects na niluluto sina John Lloyd at Willie. Tutok lang sa GMA for more updates tungkol dito.



Grand finalists ng Centerstage, nakatanggap ng regalo mula sa show!

Napakagandang sorpresa ang ibinigay ng programang ‘Centerstage’ para sa apat na Grand Finalists nito na sina Rain Barquin, Colline Salaza, Vianna Ricafranca, at Oxy Dolorito! Niregaluhan sila ng programa ng tig-iisang laptop na puwede nilang magamit sa online school.

Deserve na deserve naman ito ng talented Bida Kids ng GMA sa patuloy nilang pagbibigay ng saya sa pamamagitan ng kanilang talento tuwing Linggo. Kaya naman, laking tuwa ng viewers at fans nang malaman na extended pa ng isang linggo ang grand finals nito

Kapana-panabik ang magiging desisyon ng Bida Voters at Centerstage judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Direk Mel Villena kung sino kina Rain, Colline, Vianna, at Oxy ang makakapasok sa Top 2!

Abangan kung kanino mapupunta ang titulong kauna-unahang Grand Winner ng ‘Centerstage’ ngayong Linggo, June 6, 7:40 PM, pagtapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.



***

Tambalang Rocco Nacino at Max Collins, pinusuan ng netizens

Excited na ang viewers at netizens na mapanood ang tambalan nina Rocco Nacino at Max Collins sa upcoming Kapuso series na ‘To Have And To Hold.’

Taong 2012 pa nang huling magkasama sa isang serye sina Rocco at Max kaya naman masaya ang kanilang fans nang makita ang behind-the-scene photos sa pinakabago nilang pagtatambalang GMA series.

Bibigyang buhay nina Rocco at Max ang mga karakter nina Dominique at Gavin Ramirez. Picture-perfect ang buhay ng mag-asawang Gavin at Dominique ngunit isang iskandalo ang gigimbal sa pagsasama ng dalawa. Ipaglalaban ba ni Gavin ang nasirang relasyon sa asawang si Dominique, o muling mag-uumpisa sa isang bagong pag-ibig?

Abangan ang iba pang Kapuso stars na makakasama nina Rocco at Max sa To Have And To Hold, soon sa GMA Network.

***

Ken Chan at Rita Daniela, ibang klase magpakilig!

Hindi na makapaghintay ang fans ng Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela na mapanood ang GMA Afternoon Prime series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’

Nitong May 24 ay nagsimula na ang huling cycle ng lock-in taping ng naturang GMA series sa Bataan. Umapaw naman ang kilig ng kanilang fans sa inilabas na behind-the-scene photos ng RitKen mula sa taping na magkayakap.

Biro ng isang netizen, “Pwede tumalon sa kilig? Grabe na kayo RitKen ha.”

“So excited na sa Ang Dalawang Ikaw. Guys pahinging oxygen oh,” dagdag pa ng isang fan.

Samantala, itinuturing ni Ken na challenging ang kaniyang karakter sa serye dahil gagampanan niya ang role ng lalaking may dissociative identity disorder (DID) – isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao, dahilan para magkaroon siya ng dalawang katauhan – sina Nelson at Tyler. Si Rita naman ay gaganap bilang si Mia, ang asawa ni Nelson.

Mula sa direksyon ni Jorron Monroy, abangan ang kaabang-abang na pagganap nina Ken at Rita sa Ang Dalawang Ikaw, soon sa GMA Network.